The Will of the Wind Radio Request

Umaga na! Parang isang fairy tale lang ang araw na’to. Nagising ako na sobrang ecstatic ang pakiramdam at kasabay nang pagbangon ko ay ang pagbati ng deejay ng isang radio station. Dinig na dinig mula sa kwarto ko ang dagundong ng radyo ng kapitbahay namin habang ang kanyang caller ay nagrerequest ng kanta–pagkababa na pagkababa ng telepono ng caller ay pinatugtog kaagad ng istasyon ang The Will of the Wind ni Jim Photoglo. Nagsuklay kaagad ako ng buhok at lumabas ng bahay habang kumakain ng cookies.

Humangin nang malakas.. nagulo ang buhok ko. Okay lang, masarap naman ang dampi ng hangin sa mukha ko.

The will of the wind, you feel it and then,
It will pass you blowing steady.
It comes and it goes, and God only knows,
You must keep your sails on ready.
So when it begins, get all that you can;
You must befriend the will of the wind.

Pagkatapos kong mag-internet, naligo na ako. Nag-gel. Matagal akong nakaharap sa salamin para ayusin ang aking hairstyle. Hm, pumunta ako sa sink para buhusan ulit ng tubig ang buhok ko. Napagdesisyunan ko na lagyan na lang ng baby oil ang buhok ko. Umalis ako ng bahay para pumasok sa opisina nang masaya. Naglakad ako sa mahabang kalye ng Biyoleta. Humangin. Pakiramdam ko ay gumagawa lang ako ng music video.

Ngunit humangin pa ulit nang malakas at nagulo ang buhok ko bago pa man ako makasakay sa isang public utility carrier. Yes, alam ko. Buwakangligaw lang dahil pinagtitinginan ng mga pasahero ang magulo kong buhok. Umupo ako sa tabi ng drayber at inayos ang sarili ko. Pumikit ako at hinawi ang buhok ko pakanan.  

Nakarating ako sa opisina nang masaya.

Breaktime. Lumabas kami ng building para bumili ng pagkain. Humangin ulit na parang may tinotorture na palaka sa paligid. Nagulo ulit ang buhok ko pero ayos lang dahil chicken naman ang nabili kong pagkain. You know, fried chicken ‘yun eh.  Fried chicken! Sinong nilalang ang magkakaroon ng tantrums kung nakahain sa kanyang harapan ang isang crispy fried chicken?  Ha?  Sino?!  

Masaya akong nagbreaktime. 

Natapos ang araw ng trabaho. Uwian time. Paglabas na paglabas ko pa lang ng building, parang may ipoipo na naghihintay sa akin. Nagulo ulit ang buhok ko–at hindi ko alam kung mamumukhaan ko pa ang sarili ko kapag humarap ako sa salamin. Nagtawanan ang mga opismate ko.

Pakernut na kantang The Will of the Wind ‘yan.

Bukas magre-request ako ng No Air ni Jordin Sparks at Chris Brown sa parehong radio station na napakinggan ko kaninang umaga. Lintik ang walang ganti!