Wander To the Moon and Back

I would turn on the radio, search for a classical or a mellow station. I would close the lights and lie on my bed. I would look into the ceiling until my mind travels somewhere place. Slowly, ‘that’ part of me is drifting away. Wandering aimlessly to a portion of space. Whatever surrounding me becomes intangible. The light and darkness and every colors become haste. Then a phantasm of surreal objects emerges. Time ticking and I no longer hear the music.. I no longer feel my bed.. I was drawn-out away from my room.

 

I am Nowhere.

Believe me, when you are already on that ‘nowhere place,’ it’s dang hard coming back to reality. But why would you dare escape a realm so serene and pacific? For a minute, I won’t allow myself to leave that enchanted place.

But for another minute, I will argue with myself.

I have to get back to my reality, as this place was not meant to be mine. I shouldn’t even be here in the first place. Little by little, it becomes dark. Slowly, I would feel my back lying on my bed. The volume of the radio getting clearer.. Coming back into my senses, I would realize I am on that familiar place, my bedroom.

I would find myself staring at the ceiling.. and I’ll ask myself again for the thousandth times, ‘why did I return?’

Advertisements

Ang Paglalakad sa Pagitan ng Hatinggabi at Madaling Araw sa Madilim at Mahabang Kalye

Pumara ako at patalon na bumaba ng jeep.

Humarap ako sa madilim at infinite na kalye ng Biyoleta–kailangan ko na namang lakarin ang walang katapusan na eskinitang ‘to sa disoras ng gabi at lagpasan ang isang higanteng puno. Malaking puno na dinisenyuhan ng umaapaw na dahon, mahahabang sanga, at pinamamahayan ng mga kalapati slash paniki. Isang puno na nauna pang iniluwal ng lupa bago pa man ako ipinanganak. 

Habang naglalakad ay lagi na lang akong napapatigil sa harap ng puno.  Gayunpaman, kailangan kong pigilin ang sarili na usisain ang kung anong mayroon sa tuktok nito. O sa kinatitirikan nito. O sa mga sanga nito.

Madalas ay nililibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa malawak na kalawakan habang naglalakad–iisipin ko na lang yung mga kwento ng uncle ko kung paano gagamutin ang isang giraffe na may stiff neck, o kung paanong patitigilin ang runny nose ng isang elepante, o ang sumasakit na tiyan ng ahas. Pero sa tuwing nililibang ko ang sarili sa kung anu-anong ideya eh bigla na lang hahangin ng malakas at magliliparan ang mga kalapati slash paniki mula sa sanga ng malaking puno. Kasabay nang paglipad ng mga nilalang na’to ay ang pagtakip ng bulto-bultong ulap sa kabilugan ng buwan. At sa tuwing ganito ang senaryo, ang tanging pinagkukuhaan ko na lamang ng lakas para makapaglakad papalayo ay ang poste ng ilaw na sampung metro ang layo sa akin. Bubuwelo ako para makatakbo at sasabayan ng aking mga paa ang dumadagundong na tibok ng puso ko.

Kapag nakalayo na ay muli kong nililingon ang pinagmumulan ng aking katatakutan. Uusisain ko kung nakadikit pa rin sa akin ang aking anino, pagmamasdan ang puno kung umalis ba ito sa kinatitirikan nito, at susulyapan ang langit kung naging dalawa ba ang buwan. Sinusuri kong mabuti kung naging kulay itim at puti ba ang kulay ng buong cosmos.

Pero malulungkot ako dahil walang nagbago sa mundo.

At gaya ng dati, magpapatuloy ako sa paglalakad at mararating ang tapat ng bahay namin. Mapapasulyap muli sa aking likuran at pagmamasdan ang tinahak kong infinitesimal eskinita at mapagtatanto na tahimik pa rin ang kalsada at tanging ihip ng hangin lamang ang pabalik-balik na dumaraan dito. Ang mga kalapati slash paniki na padaop-daop sa malaking puno ay nagmimistulang gamu-gamo sa mga umaapoy na sanga at patuloy pa rin sa paglalaro ng tagu-taguan ang mga anino at liwanag na ibinubuga ng patay-sinding ilaw ng poste.

Maiisip ko na lang, kailan kaya ako magkakaroon ng stalker para maging exciting naman ang buhay ko sa tuwing maglalakad ako, sa pagitan ng hatinggabi at madaling araw, dito sa madilim at mahabang kalye? 

Spirit Particles, Kulisap at Wormhole

Hinawi mo ang iyong buhok na tumatakip sa iyong kaliwang mata kasabay ng isang upper cut na binato mo sa akin.  Ngunit nagawa ko pang ihagis sa’yo ang inipon kong kuryente sa aking palad.  Sumirko ka sa hangin at lumapag sa lupa ng walang galos at walang bakas ng electrocution at nagawa mong ilagan ang dagitab na pinalabas ko sa aking kaliwang kamay habang ikaw ay nasa ere.  Lumiwanag ang iyong mga daliri, parang apoy na pinuno ng spirit particles at pinasabog mo ang lupa– at inilatag ng pwersa ang alikabok sa paligid.  Tuluyan na akong natumba habang nakatitig sa pag-agos ng usok na pinapawi ng hangin.  Naaaninag ko pa ang aparisyon mo at ilang saglit pa ay malinaw na kitang nasisilayan. At hinawi mong muli ang iyong buhok na nagsasabing tapos na ang laban. 

Nagdilim ang 360 degrees point of area na kinatatayuan ko.  Hay! Ito na naman ang vortex slash wormhole slash portkey door na magdadala sa akin sa common shared reality ng mga tao.  Ang Earth.  At malalaman ko na lang na natalo na naman ako sa mundo ng imahinasyon ko.

 


Ito ang mga iniisip ko kani-kanina lang.  

Ang Pagpasok sa Mundo ng Isang Bata

Naglalayag ang aking pamangkin sa isang lugar kung saan siya lamang ang tanging bida kasama ng kanyang mga tauhan na pinintahan gamit ang krayola.

Nagtanong ako– ang sabi mo ay lumilipad ka.  Nakakatuwa. Dahil tila sa katayuan ko ngayon ay hindi ko na muling magagawa pang lumipad gamit ang aking isipan. Ni hindi ko na kayang magtiwala sa aking imahinasyon na ipunta akong muli sa lugar na ginawa ng aking kamusmusan noong walong taong gulang pa lamang ako.  Sino na kaya ang nagmamay-ari ng planetang pinagtiyagaan kong buuin gamit ang oras na hinaluan ng haraya? Naaalala ko na, noon ako rin ay nakalilipad. Ngayon, sino na kaya sa mga batang aking nakikita sa lansangan ang nakatira na sa lugar na pinupuntahan ko tuwing titingala ako sa langit?

Sino na ang kausap ng aking matalik na kaibigan na hindi nakikita ni Inay? Ano na kaya ang bagong pangalan ng aking imaginary besfrend na noon ay lagi kong kausap tuwing haharap ako sa dingding, tuwing matutulog, o tuwing maglalaro.  Nasaan na kaya ang lumilipad na palasyo na aking nakikita tuwing titingala ako sa langit habang papalubog ang araw? Sino na ang nakikipaglaro sa aking anino ng bato-bato-pik?

Nasaan na ang tamang daan upang makarating muli ang isang tulad ko sa mundo ng alapaap kasama ang mga paro-parong nagliliwanagan na may iba’t ibang kulay? Nasaan na ang kweba na lagi kong pinagtataguan tuwing darating ang mga kalabang UFO at halimaw? 

Marahil magsisimula ako sa bugtong ng pakikipaglaro sa mga bata.

 

At matututunan ko ulit ang paglipad.

No One can See the Beginning of Time

“Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more chance to make up for the time when you thought they would be here forever? If so, then you know you can go your whole life collecting days, and none will outweigh the one you wish you had back. What if you got it back?” – shared to me by my cousin who is reading “For One More Day” by Mitch Albom.

 

No one can see the beginning of time: that is the universal law.

I’ll be the biggest fan of someone who will be faithful in investing his time and money just to invent a time machine. Anyone who has the reverie in discovering the secrets of warpholes and portkeys and realms of the unknown just to correct his mistake from the past.

But to time travel and to play the game of the Gods in maneuvering destiny, verve and space is not a ground zero anymore. It would be an offense to go reverse time. It would be a crime to travel the future.

But if I can, then I will. I’ll control the world through my hands. I will draw the history and conduct the future of how I want it to be. I will travel flipside and backside time.

And if all these for the price of death, it’s okay with me.

I will risk.
I will risk for someone.


Ow, I discern what you desire to utter?

**Life is influence by the laws of the universe.