Para sa Kamukha ni Georgina Wilson (Daw)

Last day ni Partner sa opis kahapon. Ibibigay na niya yung susi ng locker, yung health card, yung proximity card. Resigned. The end. Kaya hindi rin ako masyado nakapagtrabaho eh. Nakipagkwentuhan lang ako sa kanya.

Partner: Wag kayo magda-drama sa akin na huling araw ko na dahil sasampalin ko kayo.
Ax:
Partner: Ax, four years. Biruin mo, tumagal ako ng four years dito.
Ax: Tigil-tigilan mo’ko. Meron nga dito na nagwo-work pa rin ng five, six, seven years. Ten years.
Partner: Natatakot ako, san ako pupulutin kapag wala akong nahanap na trabaho.
Ax: Benta benta ng Avon.
Partner:
Ax: Wag ka magda-drama sa akin na huling araw mo na dahil sasampalin din kita.

Partner: Laya na ako.
Ax: Dalaw dalaw na lang sa mga bilanggo.
Partner: Masaya ako kahit aalis ako. Nag-enjoy ako sa department na’to.
Ax:
Partner: Isama niyo pa rin ako sa mga pictorial niyo ha.
Ax: Oo naman. Pag mas mayaman ka na sa akin ‘wag mo ‘ko kakalimutan ha.

Ax: Baka mag-text ka sa akin, di muna ako magre reply.
Partner: Bakit naman?
Ax: Wala lang, baka mangutang ka 😀

 

Hindi lang pang telenobela kundi pang-pocketbook din ang istorya niya.

Siya lang. Siya lang talaga ang umalis nang hindi nagpapaalam.

Magpapa 40 days ako para sa’yo 😀 

Advertisements