The Will of the Wind Radio Request

Umaga na! Parang isang fairy tale lang ang araw na’to. Nagising ako na sobrang ecstatic ang pakiramdam at kasabay nang pagbangon ko ay ang pagbati ng deejay ng isang radio station. Dinig na dinig mula sa kwarto ko ang dagundong ng radyo ng kapitbahay namin habang ang kanyang caller ay nagrerequest ng kanta–pagkababa na pagkababa ng telepono ng caller ay pinatugtog kaagad ng istasyon ang The Will of the Wind ni Jim Photoglo. Nagsuklay kaagad ako ng buhok at lumabas ng bahay habang kumakain ng cookies.

Humangin nang malakas.. nagulo ang buhok ko. Okay lang, masarap naman ang dampi ng hangin sa mukha ko.

The will of the wind, you feel it and then,
It will pass you blowing steady.
It comes and it goes, and God only knows,
You must keep your sails on ready.
So when it begins, get all that you can;
You must befriend the will of the wind.

Pagkatapos kong mag-internet, naligo na ako. Nag-gel. Matagal akong nakaharap sa salamin para ayusin ang aking hairstyle. Hm, pumunta ako sa sink para buhusan ulit ng tubig ang buhok ko. Napagdesisyunan ko na lagyan na lang ng baby oil ang buhok ko. Umalis ako ng bahay para pumasok sa opisina nang masaya. Naglakad ako sa mahabang kalye ng Biyoleta. Humangin. Pakiramdam ko ay gumagawa lang ako ng music video.

Ngunit humangin pa ulit nang malakas at nagulo ang buhok ko bago pa man ako makasakay sa isang public utility carrier. Yes, alam ko. Buwakangligaw lang dahil pinagtitinginan ng mga pasahero ang magulo kong buhok. Umupo ako sa tabi ng drayber at inayos ang sarili ko. Pumikit ako at hinawi ang buhok ko pakanan.  

Nakarating ako sa opisina nang masaya.

Breaktime. Lumabas kami ng building para bumili ng pagkain. Humangin ulit na parang may tinotorture na palaka sa paligid. Nagulo ulit ang buhok ko pero ayos lang dahil chicken naman ang nabili kong pagkain. You know, fried chicken ‘yun eh.  Fried chicken! Sinong nilalang ang magkakaroon ng tantrums kung nakahain sa kanyang harapan ang isang crispy fried chicken?  Ha?  Sino?!  

Masaya akong nagbreaktime. 

Natapos ang araw ng trabaho. Uwian time. Paglabas na paglabas ko pa lang ng building, parang may ipoipo na naghihintay sa akin. Nagulo ulit ang buhok ko–at hindi ko alam kung mamumukhaan ko pa ang sarili ko kapag humarap ako sa salamin. Nagtawanan ang mga opismate ko.

Pakernut na kantang The Will of the Wind ‘yan.

Bukas magre-request ako ng No Air ni Jordin Sparks at Chris Brown sa parehong radio station na napakinggan ko kaninang umaga. Lintik ang walang ganti!

Advertisements

229 thoughts on “The Will of the Wind Radio Request

      1. my point of view on this, there are certain things that should happen and should not whether we like it or not… this is what we can call the “WILL” d to napipigilan o naiiwasan..

        Like

  1. HAHAHAHA! i mean, HAHAHAHAHAHA!

    Baka so the song reflects the day ahead of you? haha! Baka pag nagrequest ka ng No Air, di ka naman makahinga at mamatay ka. hahaha!

    Feel na feel ko din yun e. pag mahangin sa kalye, nagpapatugtog agad ako sa ipod tapos i put my hands inside my pocket then look around. kunyari music video. haha. nakakaaliw kasi. hahaha.

    hoy kuya ax sama ka samin ni ate chyng sa nov21 okay?

    Like

  2. hahahaha! nakakatawa ang iyong experience. but come to think of it, e talagang taglamig na supposedly ngayon and with that, e ang malakas na hangin. dito sa amin sa alabang, masarap pa ang simoy ng hangin, at sa sobrang lakas, madadala ka pero ang sarap ng feeling kasi christmas na christmas na (wag lang bumabagyo ha!)

    alala ko yang will of the wind, college ako nung mauso yan. dun sa tambayan ng isang org ko, yung dati kong crush e humingi ng favor na isulat ko sa logbook ang lyrics nyan. shempre para naman maka-earn ng ganda points, e sulat naman to the max ang lola mo. ayun, di naman siya nagkacrush saken. hahahaa! but it was also a short-lived admiration for that person kasi bigla na lang nawalan na rin ako ng “feelings” para sa kanya. hahaha!

    so, tingnan natin kung epektibo ang No Air bukas. malay mo nga naman? e pano kung ang patugtugin sa radyo ay blowin’ in the wind? o kaya naman four strong winds or worse, gone with the wind? hehehe

    Like

    1. Yung Will of the Wind, hindi ko na po talaga yan naabutan! Naririnig ko lang minsan sa radio at napapanood sa music channel! Hehe, actually, masarap naman po ang ihip ng hangin nitong mga nakaraan! Kunyari lang po dehado ako sa kwento ko! Pero enjoy na enjoy ko po yung hangin tapos makulimlim lang. Ang sarap pong maglakad! Christmas na christmas na po talaga!

      Kahapon ko lang po nafeel yung sarap ng hangin. Kanina po umuulan, di po ako nakapag emote! Haha.

      Like

      1. hala. di mo na naabutan. I am sooooo oldddd! hahahaha! hayyy…

        ang gulo talaga ng panahon sa atin. kainis. nakakaabala din sa mga plano. ngek.

        ano na nga palang nangyari sa No air? palagay ko, ang naka-air na song e pumapatak na naman ang ulan or raindrops keep falling on my head. ulan ng ulan eh.

        Like

        1. Naku po, ang pinatugtog po yata sa radio ay “Tuwing Umuulan” ni Regine/Eraserheads. Opo, umalis nga po ako today pero ulan ng ulan! Pero oks lang naman po!

          Like

  3. haha! natawa pala ako sa pagkakafeeling mo na gumagawa ka ng mtv. mas maganda kung umiiyak at senting senti ka habang naglalakad sa mahanging lansangan. yan ang ultimate MTV scene! hahahha

    Like

    1. Opo Ms. Kaye. Yung video-making:

      Una sa kalsada lang muna nakatutuk ang lente. Parang opposite ng diminishing attack, bigla na lang akong susulpot. Nakatingin ako sa malayo. Maglalakad ako ng dahan dahan. IIHIP ang HANGIN tapos bigla na lang akong mapapatigil. Mapapapikit ako tapos titingin sa gilid ng kamera. Titigil ang hangin, maglalakad ulit ako ng dahan dahan. Sa point na’to, bird’s eye view na yung position ng camera tapos HAHANGIN ulit ng malakas at bigla na lang magblu-blurred. Awts.

      Like

        1. Sige po! Gagawa po ako.. kaso di ko po alam kung kailan.. matagal tagal pa po siguro. Kailangan awesomeness yun! Hehe. Wala po akong camcorder at pangit pa po ang katawan ko! Aw.

          Like

  4. will of the wind ang pag comment ko dito..haha, mas nag-eenjoy akong makibasa minsan sa mga comments dito kaysa sa post….simpleng bagay napapalalim nyo…bigla tuloy akong napaisip sa tono ng kantang yan..haha

    Like

    1. Will of the wind nga! Parang hinangin ka lang dito! Welcome! Oo, mas gusto ko nga magcomment dito kaysa gumawa ng artic.. Yay, kaso kailangan ng artic para magcomment ang mga readers ko!

      Maraming magaling magcomment dito, walang bangasan pero nakakatuwa yung mga comments nila! Hehe. Si Kuya Mark ng Nooks and Crannies, Mr. Nonsense, Father Fiel, Jason, Allen, Kurog, Alvin, Kulisap, Lio, at syempre si Ms. Kaye.. Marami sila! Yawts. Makispam ka na rin! Aw.

      Like

    1. Hindi ko actually alam kung saang radio station yan! Haha. Hahalughugin ko ang airwaves para magrequest ng song! Parang gusto ko rin magrequest ng Seasons in the Sun ng Westlife.. O di kaya Alapaap ng EHeads! Huwaw!

      Like

  5. HAHA! Grabe, will of the wind nga! Funny nitong wind experience nyo. At least hindi palda ang hinangin sa inyo! 😀 Bwahaha! Wag naman No Air, pang hapon ang schedule ng test ko bukas eh! 😀 Baka pagdating ko ng school, humuhulas na ako at naipawis ko na ang lahat ng iniligo ko. 😀

    Maulan dito sa amin kanina eh. May bago nga akong most embarrassing moment eh. >,>

    Like

    1. Buti ka pa po, pwedeng hanginin. Ako ata hindi. 😀 Wag ka namang ganyan, Kuya Ax! Haha! Inulan ang araw ko! Grabe! Tumutulo naman ako pagdating ko ng school kanina. Urk. Wahaha! 😀

      Like

      1. Oo nga! Naalala talaga kita kanina kase pumunta rin ako sa university ko! Aw, ulan ng ulan! Bukas magre request nga tayo ng Macarena..

        Wala lang. Maputol lang ang sumpa!

        Like

        1. Wahaha, talaga po? 😀 Shax, may dala naman po kayong payong?

          Anything to break the curse. Wahaha. Macarena! Yeah! Mag-aalay lakad po kami bukas ng friend ko for the sake of reducing weight, kaya dapat lang po umaraw/kumulimlim! 😀

          Like

          1. Huwaw! Ako rin mage exercise bukas ng gabi with mah neighbors! Dapat lang na wag umulan dahil kailangan ko magpapayat.. Aw, payat na pala ako! Hehe. Pero seryoso, mage exercise rin kami bukas!

            Sana mahangin! Hehe.

            Like

            1. Exercise is good for the body. 😀 After po ng periodical exams bukas kami maglalakad eh. Medyo malayo rin po yung lalakarin namin. Haha. Hay. I envy you kung payat kayo! T_______T I want to be stick thin.

              Tama. Sana po mahangin bukas.

              Like

            2. Ang bilis! May bagong reply ulit! *A* Kakapost ko lang ng bago sa blog ko, may reply ulit. Haha! 😀

              From your picture, mukha namang hindi eh! Mukha nga po kayong tama lang ang payat eh. Actually, ang problema ko po eh arms pati hita. May form sila kaya lang parang dun napupunta lahat ng kinakain ko. Palit po tayo ng body frame! 😀 At pangit ako.

              Like

            3. Aw, Aina, ang pangit kaya ng pagkapayat ko! Para akong malnourished na puro cereal ang kinakain! Pero nagpapataba na ako! Wahaha.. Dapat maging mataba ako sa lalong madaling panahon! Hindi ka naman mataba ah!

              Or if you are one, di ka naman pangit eh! Hehe.

              Like

            4. Haha! Aw, pag nakita mo ako sobrang payat ko! Sabi nga ni Jason.. erm, ano bang sabi ni Jason! Haha. Nyek, nakita ko na kaya photos mo! Ako kase yung nakita mo ata ay hindi recent! Medyo okay ako dati tapos nangayayat. Aw! Di kase ako kumakain past months.. Kase trip ko lang! Haha.

              Maraming mang-aaway sa’yo sa blog ko pag sinabi mong pangit ka! Ayaw nila ng ganyan! Hehe.

              Like

            5. You’re anorexic? o_____o Mahirap po ba? I tried starving myself last summer, and I lost a few pounds. 😀 Mahirap po kasing mag-aral ng gutom eh. Haha! 😀

              Sayang yung dati nyong weight, super okay (I think) yung picture nyo sa contact page eh. Teehee. 😀 Wah. I want to lose weight.

              Natuloy po kami sa ‘exercise’ namin. Grabe rin po yung nilakad namin! Nakakawindang! Pero feeling ko po namayat ako dun. 30 minutes po ata kaming naglakad. Haha.

              S-san nyo po nakita ang pictures ko? HOMG. Sana di sa Facebook, sana di sa Facebook. Haha. Mukha akong yagit dun eh!

              Like

            6. Haha, ayun pa yung nakita mong pic ko? Aw. Sa mga posts ko, nandun yung iba kong syorpet, aw, I mean pictures! Payat ako. Sabi nga ng mga kakilala ko magpataba daw ako. Er. Iba kase yung pagkapayat ko. Parang may tuberculosis lang! Haha.

              Oks kaya yung pictures mo.. Oo, yung sa FB ko nakita.

              Joke lang.

              Sa blog mo syempre! May pictures ka dun!

              Like

            7. Hala, kainin nyo na lang ang mga baon ko. Hehe! 😀 Pandagdag weight. Ako naman, gusto ko mabawasan ang laman ko sa legs. TT_____TT Nakakaasar, di proportional!

              Kinabahan ako dun a. -sighs in relief- Nakakaasar kasi classmates ko eh, talagang napipicturan nila ang mga epic fail kong moments. Dyahe po talaga. Hahaha.

              Like

    1. Hi BOB! Haha, oks lang ako! Ang tawag ko kay Jason ay Bob, pero small letters lang.. Pero tukso ko yown sa kanya. Tanungin mo na lang siya kung bakit! Haha. Oks lang naman ako! Ikaw?

      Like

            1. Awts! Jason di ako tumawag sa’yo ng ganyang pangalan ha! Si Allen yung tumawag niyan hindi ako!

              Allen, bakit mo tinawag si Jason ng ganyan! Haha. It’s a pun!

              Like

            1. hahahaha hoy
              ax!!!

              talagang dinidiin mo na payat na talaga ko??

              Wahahaha natawa ko adik ka nakakapayat ang pagdodrawing ko sa MS Paint!!!

              Isa ka pa tito arsean.
              inaway mo ko kahapon

              war na rin tayo!!

              Like

  6. Napadpad ako ng hangin dito… 🙂

    Your post reminds me of the brilliant and controversial Leo Joseph Cardinal Suenens, one of the 4 moderators of the Second Vatican Council.

    He said:

    “We can’t direct the wind but we can adjust our sails.”

    Magandang hapon Ax…

    Like

      1. ayon kay mamang wiki: Leo Jozef Suenens (July 16, 1904—May 6, 1996) was a Belgian prelate of the Roman Catholic Church. He served as Archbishop of Mechelen-Brussel from 1961 to 1979, and was elevated to the cardinalate in 1962.

        Suenens was a leading voice at the Second Vatican Council and advocated aggiornamento in the Church.

        Like

  7. wehehehe hang kulet… ano ba kasi ang shampoo mo bakit hindi sumusunod sa galaw mo… 😆 eniwey highway skyway uso naman ngaun ang “mahangin sa labas” look 🙂

    request mo yung sumusunod sa galaw ng jaboom twins hihihi… 😛

    Like

    1. Wanna know my shampoo?! Iba talaga eh, its shiny, shimmering splendid. Ito lang ang pinagkakatiwalaan ko. Mabula, mapusok, masarap sa kamay.. You can never can tell it’s a dishwashing liquid.

      Like

    2. Alam ko pinapatugtog yung “Lupang Hinirang” sa mga radios bago sila mag cut ng airtime nila.. Para bumalik na lahat ng OFW sa Pinas. Aw.

      Like

    1. Bad hair day nga blu.sparks! Aw! Hindi, joke lang yan! Gusto ko talaga yung mahangin na panahon! Ang sarap sa feeling.. Hindi ko na nga nirequest yung no air..

      Wag ko lang maririnig na pinapatugtog yung “Killing Me Softly” kundi ipapapatay ko yung nagrequest non!

      Like

  8. waw..comedy ka ngayon ah..pero mas okei nga ang mahangin eh..sarap damhin..^_^ ‘di katulad na kung “No Air” ang OST ng araw mo, parang rooms lang ng isang college na pinasukan ko dati, sa sobrang dami namin at init..mapapakanta ka talaga ng No Air..haha

    newey, masuwerte pala ako dahil windproof ang buhok ko.. ^_^

    Like

    1. Aw, windproof ang hairdo mo Jem?! Buti ka pa! Okay, buti nga hindi nirequest yung “Wind Beneath My Wings” sa radio.. dahil wala akong balak maging manananggal sa tanghaling tapat!

      Like

  9. alam mo nasa mall ako kahapon tapos biglang kinanta yung will of the wind tapos naalala kita, isang picture lang naman yung nakikita ko, yan lang nakataas ang kamay mo… hehehehe

    Like

    1. Isang picture lang talaga yung nakita mo ha! Aw. Actually, di naman nakataas yung kamay ko diyan.. Hm, parang nakasandal lang ako sa kamay ko!

      Like

  10. hay salamat! may tagalog na post! ahehehehe

    ahahaha natawa naman ako sa request mo! ahahah

    isa lang ibig sabihin nun AX, u have a very soft, beuatiful, shining hair! nakanameeeennn!!!

    aheheheheh

    Like

    1. Hello po Kuya Topher! Kamusta po kayo! Aw! Haha, hindi naman po shiny yung hair ko.. Uhm, pag nagulo hindi na po bumabalik sa dating ayos! Aw. Gusto ko yan! Nakanameeeennnn!

      Like

      1. kung tama ang pagka-alala ko, ang hanging amihan ay north-east ang galaw…from northern part to eastern of equator…di pala ako sure..hehe, nakalimutan na.

        Like

    1. Oo Coco. Wala ngang magbabantay di ba kahapon! Ilan binili mo? Di ba dapat dalawa yan? Mamamatay yan. Sexually active ang mga hamster (small letter lang ang ginamit ko sa hamster! baka akalain ng ibang makabasa tao yung sinasabi ko. Hehe.) Dapat dalawa binili mo. At for sure, wala kang kulungan.

      Coco Martin Nievera di ba ang name ng alaga mo!

      Like

      1. hinde, ok lang. kaya nya mag-isa..

        yung dati ko kasing male and female hamsters dumami up to 40 pero nagsimatayan dahil di ko alam. ngayon alam ko na pero

        isa lang muna, para low maintenance ngayon pa na dugot pawis ang puhunan ko sa trabaho. hahaha

        Coco lang adik ka.

        Like

            1. Para hindi malungkot si Coco…
              Pagtabitabihin mo kaya ang 3 hamsters (pwede ring kasama si yay…)
              Padamihin mo ulit sila, ha? Maski umabot 40 ulit, wag mag-alala pwede ako mag-adopt hehehe (wahahaha taribonghamster….)

              Like

    1. Aw, si Daddy talaga! Aw! Makagawa nga ng music video. Ako lahat. Character, editor, music editing, producer, assistant, cameraman.. Mukhang mahirap.. Pero yakang yaka!

      Kaso wala akong video camera.

      Like

      1. nakanang! nagpaparinig si akso! hehe

        daddy A pano ba yan, ang dame naming nanghihingi ng pasalubong sau?! (nakikisali?!) 😆

        so baka mag gone with the wind ka na tlg at iwasan ang pilipinas! nppbyaan mo n tong c aksong ng e emo sa kalye! 😉

        Like

  11. haha. it seems that you had a bad hair day kuya ax. // ok lang yan dapat keri pa rin. ika nga nila “dapat confident ka lang lagi, kahit pinag-titinginan ka (o pinagtatawanan)”.

    sige kuya request mo “no air” para di ka makahinga. LOL.

    Like

  12. Ako’y natutuwa sa post na ito kuya Ax! Kasi sa unang pagkakataon ata, nakabasa ako ng hindi lang pang-matalino, pang-kagaya ko pa na post mo! Wahahaha

    Di namulikat ang utak ko ngayun!

    Nagrequest ka nga ba ng song?

    Yung YouTube ha! Wag mo kakalimutan! Ehe

    Like

    1. Oo nga, feeling ko tuwang tuwa ka! Aw. Di ba namulikat yung utak mo ngayon? Sige, next time.. tingnan natin kung biglang matunaw yung utak mo! Aw.

      Hulaan mo kung nagrequest ako ng kanta!

      Aw, ayoko.. Ayokong ivideo! Hehe.

      Like

  13. ax,

    natawa ako. lol

    naimagine ko kasi kung paano mo winawasiwas ang buhok mo sa lakas ng hangin.

    😀

    pero ok lang yung mahangin basta walang bagyo.

    ingats AX!

    Like

    1. Aw, bagong gupit ka pala! Di ba, yung buhok mo mahaba naman? I mean, hindi ganoon kaikli? Ako ng dati gupit ko parang basang sisiw lang ako.. Yeah, may picture ako.. Wag sana lumabas.. Aw.

      Like

    1. LOLOLOL!

      Hindi pwedeng di kita kilala! Yay. Hm, anong radio station ba yun, di ko talaga alam eh.. Sige, icurse mo na lahat ng radio station para masaya! Aw.

      Like

  14. hehe.sumtyms we id not to think bwt the past cuz we should be happy of decisions we make every single time..hoy ax nag comment ako dun sa line ng kanta ah..di sa buhok mong pang komersyal,.haha

    Like

  15. Howdy Axie? Mr. DJ, can I make a request?

    Pwede ba yong love song ko.
    Mr DJ, para sa akin ito.
    Sana ok na ang buhok mo..
    Hihintayin ko na umayos ito…

    Thank you.

    Have a nice day ahead of you Axie.

    Like

    1. Sure, welcome na welcome mag plug! Ayan, naka bold na siya ha! Hehe. Sasali din ako diyan ate Yhen, kokontakin ko lang muna si JayR! Yay.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s