Tumilapon Ako sa Motor at Nagka-Amnesia Chandelier

Gugustuhin ko pa nga bang maalala ang malaking piraso ng buhay ko kahit hindi kaaya-aya ang mga ‘yon?! Minsan na akong tinanong ng isang pader tungkol sa usapin ng “alaala.” Kolehiyo ako no’n. Sa restroom ng university namin na pinamamahayan ng mga kakaibang nilalang, habang nakatayo kaharap ang isang makapangyarihang sinaunang imbensyon na humihigop ng iba’t ibang elemento para ipunta sa dako paroon—ang kubeta ng third floor. Habang umiihi, kaharap ang pader na puno ng sikreto at vandal ay nabasa ko ang tanong na babago sa aking hairstyle:

“Kung makakapagsimula ka ng panibagong buhay kapalit ng pagkawala ng iyong mga alaala, tatanggapin mo ba?”

Lumingon muna ako sa likod at nang makitang walang tao, kinuha ko ang isang asul na marker sa bulsa ng pantalon ko. Alam kong bawal pero natalo ako ng pagnanasang sagutin ang tanong na inihahain ng mahiwagang pader. Pagkatapos ng insidenteng ‘yon, ilang araw rin na sumirko-sirko sa aking utak ang palaisipan ng pader.

Dahil do’n, inalala ko ang aking unang alaala. Ng aking sinaunang langhap, haplos, tikim, kinig, at titig. Medyo phantasmagoric ang approach pero pinilit kong balikan—nagising ako nang nakahiga sa kama katabi ang isang robot na laruan. Hindi ko matandaan kung ilang taon ako no’n. Tatlo o apat? Pero hindi na ’yon mahalaga. Ang importante ay ‘yun ang pinakaunang alaala ko na nabubuhay ako sa mundo. Nakahiga ako sa kama kaharap ang kisame, masyadong mataas para sa batang katulad ko pero masyadong mababa para sa mga butiking umiistambay sa liwanag ng lightbulb. Malambot na kumot ang bumabalot sa aking katawan, matamis ang simoy ng umaga, at tahimik ang pagpasok ng hangin mula sa bintana. Doon ko napagtanto na simple lang ang pagiging isang bata. Pinakakomplikado na ang makabasag ng baso at makagat ng aso.

Bukod sa alaalang ‘yon, wala na akong ibang gunitain na mas tatanda pa roon. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung meron bang isang tao na nakakaalala na lumalaki siya sa sinapupunan ng kanyang ina nang mahigit kumulang siyam na buwan? Meron kayang isang nilalang na natatandaan ang kahit milisegundong pangyayari noong iniluluwal siya dito sa mundo? Siguro naman kahit sinong mortal ay walang alaala ng kanyang unang araw ng kapanganakan. Deleted na sa internal memory ng hard disk at wala na rin sa recycle bin ng utak.

Siguro ay ninanakaw ng isang imortal na nilalang ang alaala ng isang tao para bigyan ng misteryo ang buhay nito. Misteryo katulad na lang ng tanong na: “what happens after this lifetime?” Magsisimula ang tao sa paghahanap ng mga kasagutan at siya ay maaaliw sa hiwaga na bumabalot kung saan siya nagmula at kung saan ang susunod niyang paglalakbay. Malilibang siya sa mga kaaliw-aliw na pangyayari sa mundo kaso madidiskubre niya na may dead-end ang paghahanap ng mga kumplikadong sagot ng kalawakan.

Dahil kahit anong pilit pa ang gawin natin upang malaman ang mga bagay bagay na inaakala nating kukumpleto sa “puzzle game” na nilalaro ng bawat isa sa atin ay lalo lang gumugulo at mas nagiging kumplikado ang mga tanong na bumabagabag sa ating utak tuwing makakadiskubre tayo ng panibagong sagot. Kung malalaman lang natin kung saan tayo nanggaling bago tayo napadpad sa mundong ‘to o kung malalaman lang natin kung anong klaseng lugar ang naghihintay sa atin kapag nakilala na natin si Kamatayan, siguro hindi magiging exciting ang pakikipagsapalaran natin habang nabubuhay pa tayo.

Yung simpleng “wala tayong alam” ang dahilan kung bakit ang bawat isa sa atin ay nagpapatuloy mabuhay. Ang pagiging inosente natin sa kumplikadong proseso ng kalawakan ang rason kaya patuloy tayo sa pagtuklas. At ang kawalan natin ng impormasyon kung saan tayo pupunta pagkatapos ng lahat ng ito ang nagpupugad sa ating takot, galak, at tibay ng loob.

Minsan iniisip ko kung nasaan na ang mga alaala na nawawala? Mayroon kayang lugar na pinatutunguhan ang lahat ng pangyayaring nilimot na ng panahon? At pwede ko pa bang makuha ang alaala na ninakaw sa akin? Saan ko naman ito hahanapin? At paano?

Basta. Ang alam ko lang, nagising ako na nakahiga sa kama katabi ang isang robot na laruan. Mga tatlo o apat na taong gulang ako no’n. Nakaharap ako sa kisame, na inaakala kong langit, kung saan tumatagos ang pagkakatitig ko patungong kalawakan.

Where Bold Stars Go To Die

If you are expecting a porn review, you will just be disappointed.. And I won’t apologize for that. Yes, this is probably a bomba komiks– but the kind of which that had undergone evolution in aspects of intellect and emotions. A bomba komiks with a flesh of sentiments and art seduction, a masterpiece of nine years in-the-making. And this is entitled ‘Where Bold Stars Go To Die.’

The story is about Daniel. About a boy, unbeknownst to himself, is sustaining ‘the’ life of an 80’s bold star named Anna in a different magical world. Thus, allowing Anna to continue existing. The magical world is an alternate paradise. Paradise in its literal sense: a garden forest, scattered nude women, a place of complete bliss.

 

Where Do Bold Stars ‘Really’ Go To Die

“I loved her once or twice a day.
Sometimes, even more.” – Daniel

Any one could live forever. That’s what I believe in. Luckily, bold stars are not precluded in this idea. They are being immortalized through photos and videos. And this is how Daniel met Anna. The first time he saw Anna on one of her 80’s film, he knew he was lost.

It went for days and weeks and as time passes, he just couldn’t get enough of her. Daniel was consumed with the idea of Anna like an insomniac addicted to coffee. Daniel searched her in the internet, but the internet does not know Anna. Fortunately, he found a collector with unbelievable vintage stuff of the 80s.

Daniel realized that these bold stars are just human who, in any manner, could not escape the inevitable of becoming fat or getting old. Daniel doesn’t care if Anna had become any of that, except for the death part.

“As more men fantasize about a particular person,
the stronger and happier she becomes here.
And if no one fantasizes about a girl anymore,
she fades away like you saw.” – Anna

Any woman, be still living or dead, so long someone fantasizes about them, manifests in this magical paradise. They are mostly bold stars who have become the sex object of many men. When a sex symbol is being imagined in mundane acts by someone, or simply the reason of one’s masturbatation, the sex object continues to exist in this alternate world. For some reason, Daniel finds himself in this magical world after a deep slumber.

He finally met her. Had talked to her. Made love to her. Until he woke up and realized he won’t be able to go back to that magical place and see Anna again.

“I wished that I had been born at an earlier time,
in a different place.
Perhaps then, I would have met her.
Met her properly.” – Daniel

I read this story a hundred times. And this is one of my favourite comics in my possession. Where Bold Stars Go To Die is by Gerry Alanguilan and Arlanzandro Esmeña (+). It also features artwork of legends and gifted graphic artists namely Francisco Coching, Tony de Zuñiga, Brice Beckham, Carlo Vergara, Arnold Arre, Leinil Francis Yu, Philip Tan, Gilbert Monsanto, Carlo Pagulayan, and Edgar Tadeo.

“I held myself in my hand and I thought of Anna.” – Daniel