My Kind of Thursday

May application ako kahapon (Thursday) sa “isang” Catholic College. Logically, tabi lang ng isang simbahan ‘yun. Pang professional ‘yung get-up ko at habang inaayos ko ‘yun kwelyo ko eh na-miss ko ‘yung isang step sa tapat ng Accounting Department. Ayun, lumipad ako ng three meters. At bumangon uli. Muntik pa ako mapilayan. Narating ko ang HR Department nila sa tulong ng GPRS ng phone ko. After ng interview–uwian na.

Narealize ko na gusto ko pala makarinig ng sermon kase di pa ako nakakasimba nitong mga nakaraang linggo. Eh since tabi lang ng school ‘yung simbahan, I filled my hopes up.  

Swakto XD

May misa. Sinilip ko, konti lang ang tao. Dahan dahan akong pumasok (syempre naka-formal attire ako eh). Sa gitna ako naglakad para kunyari entourage. May mga tao sa bandang likod pero gusto ko sana sa harap para marinig ‘yung sermon ni Father. Kasalukuyang kumakanta ng something something kaya naglakad lang ako nang marahan.

Nakatingin lang ako sa altar habang naglalakad kase ang solemn ng kanta eh.

Nang malapit na ako sa harap mismo– putek na ‘yan. Nakita ko may kabaong. Misa pala para sa patay. Gusto ko matunaw. Nakita ‘ata ako ng mga kamag-anak. Curious siguro sila kung sino ako at anong relasyon ko sa namayapa na. HUHUHUHU.

Isa pang putek. Thursday pala kahapon. Di ko narealize. Minsan na lang makapagsimba eh no ganito pa ang nangyari XD

Advertisements

Kung Paano ako Natalo sa Pustahan ng Sabong

Fastest Kill. Registration: P300.00. Last day. 

Yan ang theme ng sugal ngayon sa tupadahan/sabong kung saan ako nagbebenta ng mineral water. Nagbebenta rin ako ng yosi’t sopdrinks. Sa dami ng binebenta ko, kulang na lang eh pati one-day old chicken ay ilako ko sa mga mananabong.

Mula Sa Wala, Sa Meron, Sa Puti, Sa Pula, Sa Gitna. Sa Dugo, Sa Balahibo, Sa Swerte. At may tamang paraan ng pagwawasiwas ng kamay o senyas ng mga daliri kung magkano ang tayaan. Daan, Libo, o Motor. Sugal na may kasamang panalangin. Pustahan kalakip ang kalul’wa. Okay, tataya na ako. Uno-uno. P1,100.00. 

 

Akso: Pre, ayos ba ‘yan?

Pre: ‘Di natin masasabi. 

Akso: Pupusta ako. Uno-uno. 

Pre: Go away, Anna. 

Akso: May pera ako. 

Pre: Just go away. 

Akso: Papupustahin mo ako o mag-iiskandalo ako dito? 

Pre: Oh, uno-uno daw. Pakilista na. 

Akso: Lagyan natin ng glitters para matakot yung kalaban. 

Pre: Atsaka balloon. 

Akso: Tapos necklace na may diamond. 

Pre: ‘Pag heto natalo, iyak tayo. 

Akso: Okay na ‘yan. Rak na yan. 

 

‘Di ako nanood ng laban. Why will I? Eh nagbebenta nga ako ng mineral water. Pero minuto lang ang itinagal ng tournament. Bumalik si Pre. Sumenyas. Patay daw. 

Tsk. ‘Di kase ako naligo kaya malas eh.

Okay lang. Kahit talo eh naibenta ko naman lahat ng mineral water ko XD

Good Night, Pakernuters

Minsan, gusto ko maglabas ng angst tungkol sa universe, sa haircut ko, sa mga alikabok na lumilipad-lipad, o sa mga chakang nakakasalubong ko pag naglalakad ako– pero ‘pag naiisip ko na wala namang may interes sa mga anguish and dilemma ko sa buhay, eh pinapabayaan ko na lang na tumambay sa World of Unspoken Things ang lahat ng kabadtripan ko.

Gabi na.. still, good night pa rin.

Kulay ng Kakornihan

Radical Red. Forest Green. Eggplant. Desert Sand. Electric Lime. Inchworm. Magic Mint. Outer Space. Mountain Meadow. Screamin’ Green. Black. White.

Ring a bell?

Dati naman, madali lang tandaan ‘yung mga kulay sa box ng Crayons. Walo lang ‘yung dinadala ko sa school noong kindergarten ako. Noong Grade 4 na ako gumamit ng 16 Colors. Pero ngayon, may specialty crayons pa katulad ng Pearl Brite, Metalic FX, Magic Scents, Silly Scents, etc.

Sobrang nag-evolve ang name creation ng Crayons the past few decades. Prussian Blue to Midnight Blue. From Flesh to Peach (in response to US Civil Rights Movement). Indian Red was changed to Chestnut (dahil baka ma-misinterpret ng kids ang skin color ng mga Native Americans). And the name creation goes beyond to having a State-Your-Color Contest.

Bakit ko ‘to sinasabi?! Kase.. kase nagsisisi ako dahil ang mga sagot ko sa slum book slash autograph ng mga classmate ko sa favorite color ay ang walang kamatayang: BLUE/SKY BLUE/LIGHT BLUE.

Feel sooo humdrum. I wished I knew Cerulean when I was 5 years old. Knowing Cornflower will also do. XD

Fill in the Blank: Dear Ex,

Ano nga ba ang sasabihin mo sa ex mo?

Dear Ex,

Akso Rojas: Tatlo lang ang nakuha mo sa akin: Halik. Oras. Susi ng Locker. ~Pero hindi ang puso ko. Yay. 

Sharlyn: Binati kita ng condolence nung namatay yung aso mo. Isang click lang ng ‘like’ button di mo pa magawa! 

Litro: Kung kaya mo na akong mahalin, pwes, kaya na kitang murahin ngayon. Meynteyn! 

Sharlyn: Bago kita nakilala isang sungay lang meron ako, ngaun dalawa na sila. 

Chello: Ngayon ko lang narealize: Kanto kanto yang mukha mo. 😀 

Tin: Salamat sa’yo kasi nakilala ko ang meds ko! 🙂 

Setsu: Thank you for ruining my life! 

Andelica: Sinong mag-aakalang mas maganda ka na sa akin ngayon? 😛 

Jonna: Nalipasan na ako ng gutom dahil sa’yo. Yes, gutom na gutom ako sa pagmamahal. 

Jenny: Tatapusin ko muna ang CSI series bago ko gawin ang krimen sa’yo. 

Bijen: Ano ba naman yung magmahal ng dalawa at the same time?! Eh nung tayo, pinagsabay mo rin kami ni Adam Levine eh. 

Now Na | Soon

Now-Na

 

Unang kita ko pa lang dito sa picture na’to, I saved it agad sa leptep ko. Pero pinalipas ko muna ang isang taon bago ko i-publish 😀 Self-control lang XD Matagal na akong naghihintay ng ganitong klaseng advertisement eh.

Biruin mo: Now Na.

Pero: Abangan~

Panalo mambitin 😀

Ibinulsa ko yung mga Inabot na Pamasahe

Mainit.

Sapilitan kong ibinalot sa manipis na jacket ang katawan ko para pagtaguan ang araw. Tumatagaktak ang pawis. Pinuputakti ng singaw galing sa lupa. At kahit anong pilit ko, hindi ko rin naman matatakasan ang sinag-rayos ng isang malaking apoy na lumulutang sa kalawakan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ginaya ko yung napapanood ko sa mga pelikula. Marahan. May kasamang hangin. May kislap ng mata. ~Malapit na.

Ilang hakbang na lang.

Sumakay ako sa jeep. Medyo puno na yung sasakyan. Apat na lang ang kulang sa bandang dulo. Umupo ako, pangalawang tao mula sa driver. Inihanda ko ang pamasahe ko. Umandar na ang jeep. Naghintay ako ng ibang pasahero na magbayad para isang abutan na lang.

Maya maya ay may nagpaabot ng pamasahe. Sinama ko na rin yung sa akin. Happy na ako! Pwede na akong pumetiks. Tumingin sa bintana. Mag-imagine. At umastang nasa pelikula.

May nag-abot ulit ng pamasahe. Lima sila na puro barya. Inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. Pero bago pa ako makapag-imagine, may nagpapaabot ulit ng bayad. Kinuha ko at binigay ko sa driver. At tumingin ulit ako sa bintana. Bago pa ulit ako makapag-imagine ay may nagsabi ulit ng, “Bayad po!” Todo-smile ako at inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

May nagpapaabot ulit ng pamasahe sa driver. Nakahalata na ako.

Mukha ba akong kundoktor. Meron bang nakasabit na nameplate sa leeg ko na nakalagay ay: Tagaabot ng pamasahe!

Chineck ko, wala naman akong nameplate.

Tinanong ko kung may magpapaabot pa ng pamasahe. May dalawang humabol. Inulit ko kung may magpapaabot pa ng bayad nila. Nakita ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na nakatingin sa kawalan. Okay lang, baka may problema lang. Naghintay ako pero wala na raw magpapaabot ng pamasahe. Inabot ko na kaagad sa driver lahat ng nagkolekta kong barya.

Tumingin ulit ako sa Bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

Si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal ay nagsalita ng “paabot ng pamasahe!”

Nasabi ko bang mainit? Oo mainit. Lintik lang ang summer dahil nagawa nitong pakuluin ang dugo ko. Tiningnan ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na parang nakatingin ako sa kawalan. Tiningnan ko siya mula sa blush-on niya papunta sa braso niya at sa kamay niya na nag-aabot ng pamasahe.

At tumingin ako sa bintana. At nag-imagine.

Inulit niya, “Paabot ng pamasahe..”

At sinaksak ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal. Pina-ikot ikot ko yung ice pick sa bituka niya. Hindi ko namalayan, nandilim na ang paningin ko. Nagtalsikan ang mga dugo. Nagulat lahat ng pasahero.

Pero nag-iimagine lang ako.

May ibang nag-abot ng pamasahe ni Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal.

Pumara ako.

Narinig ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Susyal, sabi niya, “Masubsob ka sana.”

Marahan akong naglakad. May kasamang hangin. May kislap ng mata. Hindi ako pwedeng masubsob.

 

 

Paano na lang ang titulo ko bilang Most Handsome Pinoy Blogger, di ba?