Fill in the Blank: Dear Ex,

Ano nga ba ang sasabihin mo sa ex mo?

Dear Ex,

Akso Rojas: Tatlo lang ang nakuha mo sa akin: Halik. Oras. Susi ng Locker. ~Pero hindi ang puso ko. Yay. 

Sharlyn: Binati kita ng condolence nung namatay yung aso mo. Isang click lang ng ‘like’ button di mo pa magawa! 

Litro: Kung kaya mo na akong mahalin, pwes, kaya na kitang murahin ngayon. Meynteyn! 

Sharlyn: Bago kita nakilala isang sungay lang meron ako, ngaun dalawa na sila. 

Chello: Ngayon ko lang narealize: Kanto kanto yang mukha mo. 😀 

Tin: Salamat sa’yo kasi nakilala ko ang meds ko! 🙂 

Setsu: Thank you for ruining my life! 

Andelica: Sinong mag-aakalang mas maganda ka na sa akin ngayon? 😛 

Jonna: Nalipasan na ako ng gutom dahil sa’yo. Yes, gutom na gutom ako sa pagmamahal. 

Jenny: Tatapusin ko muna ang CSI series bago ko gawin ang krimen sa’yo. 

Bijen: Ano ba naman yung magmahal ng dalawa at the same time?! Eh nung tayo, pinagsabay mo rin kami ni Adam Levine eh. 

LT77/RR225 Signing Off

Eto nga pala yung sulat ko sa mga opismates ko noong nagresign ako sa trabaho ko 😀

 

May ilang bagay po akong natutunan slash realizations sa maikling panahon ko dito sa opis bilang isang legal language specialist at review specialist slash editor slash QA.

1) Ang tanging sandata na magagamit mo kapag gumawa ng isang mareklamong account ay ang makapangyarihang ‘(sic)’ 😀

2) Pag PM shift ka at umupo ka sa ER28, make it a habit na itaas ang blinds pagdating ng 1800 hours kase may iilang tao sa TRA Dept na gusto makita yung langit habang papalubog ang araw 😀

3) Okay lang takutin yung mga newbies na huwag sisilipin yung ilalim ng station nila dahil baka may batang makipagtitigan sa kanila 😀

4) Tanungin muna kung DVORAK o QWERTY bago mag-shortcut SAVE ng isang file 😀

5) Sa ground floor, bago kumaliwa sa elevator, lumingon muna kung may taga e-Data na nagmamadali. 17th floor kase ang pinakamataas na floor ng vertical mechanical conveyance system natin. Matagal pa ulit bago makababa at makaakyat yung ibang elevator. Pero pag hindi taga e-Data, sinasara ko na agad yung pinto 😀

6) May mga exercises na hindi nakakapayat. Dalawa na dito ang typing exercises at Kegel exercises 😀

7) Ang pinaka hardcore misheard ko sa Transcription Department ay: “The patient is a 47-year old CRUSTACEAN [Caucasian]..” Buti na lang, inedit ko yung gawa ko bago ko pinasa 😀

8) Ang pinaka sabaw na review ko naman sa ROR Department ay: “The glomerular FLIRTATION [filtration] rate is within normal limits.” Buti na lang din, nakita ko bago ko i-submit for evaluation 😀

9) Isa sa naging topic namin for a month ng mga kabatch ko eh yung sablay niya rin sa transcription: The patient was seen for a psychic [psychiatric] consultation. Feeling talaga namin minsan nanghuhula lang yung mga doktor kung ano yung diagnosis ng pasyente [joke lang] 😀 Isa pang long-term na katatawanan namin ng mga kabatch ko eh yung na-transcribe na: The patient has cabbage [CABG = coronary artery bypass graft]. Malay ba daw ba niyang farmer yung pasyente 😀

10) Ang pinakanakakalungkot na sagot ng deponent na nabasa ko ay (Non-verbatim): “I turned on the TV. I sat on the couch. And hours [had] passed, I am still staring blankly, as if the TV is watching me instead of me watching the TV.”

11) Kaunti lang siguro ang may alam, pero may fire extinguisher sa tapat ng station ni Manong. Sa mga may alam, eto ang tanong ko sa inyo: Anong kulay yung fire extinguisher na ‘yon? 😀

Sa totoo lang, makakalimutan ko yung guidelines ni Luros~ pero di ko makakalimutan yung mga pang-aasar niya sa grammar ko 😀

Di ko rin makakalimutan kung paano niyo i-ispel yung pangalan ko [Acks, Axe, Akz, Axie, Axcel].

Sa lahat ng nakasamaan ko ng loob at nasaktan ng di sinasadya, patawad. Sa lahat ng nakilala ko, sana magkita kita pa tayo. Sa lahat ng kaibigan ko, maraming salamat.

BTW, green yung kulay ng fire extinguisher.

Syempre, hindi mawawala ang far-famed valediction ng mga nagreresign! 😀

LT77/RR225 signing off.
Akso Rojas

“I don’t know if it’s destiny, fate, or pure coincidence~ pero may fried chicken sa fridge.” ~Akso Rojas