Ikakasal na Ako!

I’m a quarter of a century old. Natanong na’to sa akin. ‘Di lang isang beses, ‘di lang dalawang beses. At syempre, di ko na binilang pa. Prepared ako sumagot kapag ganito ang tanong. Sinasabi ko talaga na hindi sa akin ang pag-aasawa and tell them I’ll be a good father than a good husband. ~And of course, ako na ang hari ng pic-not-related.

Matandang Binata na Tito: Kailan ka ba mag-aasawa?
Ako: Tito, ganito ko kayo kamahal, papaunahin ko muna kayo.

Officemate: Kailan mo balak mag-asawa?
Ako: Dehins. Gusto ko lang ng anak. Baka gusto mo ng katulad ko na gusto lang ng anak?

Lola: Ayokong mamatay nang hindi pa kayo nag-aasawa lahat.
Ako: Kung ganon, hindi kayo mamamatay! Bwahaha.

Kapitbahay: Kailan ka hijo mag-aasawa?
Ako: Tita, di ba pag nag-asawa– conjugal property niyo na ‘yon? Kapag pinatay ko ba yung asawa ko, kahit makulong ako, akin pa rin yung mga ari-arian?

Classmate: Kailan ka mag-aasawa?
Ako: Wala pa akong nabubuntis eh.

Close Friend: When ka pakasal?
Ako: Hinihintay ko na lang na magbreak kayo ni (insert name here), tapos magpapakasal na kami.

Teacher: Oh baka mag-asawa kayo pagka graduate niyo ha?
Ako: Hindi po, balak po muna namin maglive-in bago ang kasal.

College Classmate: Balak mo bang magpakasal?
Ako: Mas mahal magpa-annul/divorce kaysa sa wedding.

Isa pang officemate: Magpapakasal ka?
Ako: Ay, strict yung pey-rents ko.

Kapitbahay: Oh, kelan ka ikakasal?
Ako: Oh, Tita, ilan nga ulit yung kabit ni Uncle?

Tita: Kelan ka mag-aasawa?
Ako: Pag stable na’po.
Tita: Oh, konting ipon na lang ‘yon!
Ako: Pag stable na’po yung utak ko.

Bata: Kelan ka ikakasal kuya?
Ako: Pag malaki ka na yayayain na kitang magpakasal.

Lolo: Pag kinasal ka..
Ako: Ipapamana mo yung lupa mo?
Lolo: Yung kalabaw lang.
Ako: Wala nang kasalan pag ganyan..

At wag na wag kayong se-segue na: Gusto mo mag-ninong sa kasal ko?

Advertisements

Pabasa Party

Sharing sharing na ito ha!

Kasali ang pamilya namin sa nag-o-organize ng Pabasa sa street namin. Meron kase kaming kapitbahay na may panata na hanggat nabubuhay siya ay magpapabasa siya ng pasyon ni bossing Jesus tuwing holy week.. At totoo naman, tupad na tupad nga naman niya ang kanyang pangako.

Nagbiro pa nga siya last year na baka wala ng Pabasa this year dahil tigok na tigok na siya. Pero guess what, buhay pa rin ang kapitbahay naming ‘yon. Ayaw siguro siya kuhain ni Lord dahil bonggang-bongga ang ginagawa nilang Pabasa.

Dahil ang daddy ko ay technician, napakarami naming stereo/speaker sa bahay. At ‘yun ang ginagamit tuwing may Pabasa dito sa amin. Bawat pamilya dito sa eskinita namin eh sumasali sa pag-o-organize ng Pabasa. Meron kaming isang kapitbahay na nag ke-cater ng party needs kaya sila ang may sagot ng chairs and tables. Ang nakakalungkot nga lang, yung isang matanda na malapit sa amin na tumutulong sa pag-oorganize ng Pabasa eh namayapa na. Siguro kapag nawala silang lahat– at henerasyon na namin (mga anak nila) ang natira, eh, siguro wala ng magpapatuloy ng Pabasa.

Naisip ko na nakakalungkot din pala. Malamang sa malamang eh mami-miss ko rin ang ideya na hindi ako pinapatulog ng mga nagpapasyon.

Balik tayo sa kwento. Dahil nga ang daddy ko ay isang technician, napakarami rin naming microphone para suportahan ang isang concert ni Regine Velasquez. At tama kayo, kung gaano karami ang stereo/speaker namin ay ganoon din karami ang gagamiting microphone para sa pabasa. 

Anyways.

Ang point ko lang is– kaya nakapost itong artic na ‘to ay dahil nagising ako sa dagundong ng kanta ng mga Pabasa. Hmft, sana mag-brown out! ‘Di, joke lang. Wag naman.. Nagko-computer pala ako!