You Already

Or in tagalog: Ikaw na.

Ako: Bro, anong tawag sa malaking USB na binili mo recently?
Bro: External hard disk/drive.

Ako na! Ako na ang may bagong knowledge.

Advertisements

Ibinulsa ko yung mga Inabot na Pamasahe

Mainit.

Sapilitan kong ibinalot sa manipis na jacket ang katawan ko para pagtaguan ang araw. Tumatagaktak ang pawis. Pinuputakti ng singaw galing sa lupa. At kahit anong pilit ko, hindi ko rin naman matatakasan ang sinag-rayos ng isang malaking apoy na lumulutang sa kalawakan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ginaya ko yung napapanood ko sa mga pelikula. Marahan. May kasamang hangin. May kislap ng mata. ~Malapit na.

Ilang hakbang na lang.

Sumakay ako sa jeep. Medyo puno na yung sasakyan. Apat na lang ang kulang sa bandang dulo. Umupo ako, pangalawang tao mula sa driver. Inihanda ko ang pamasahe ko. Umandar na ang jeep. Naghintay ako ng ibang pasahero na magbayad para isang abutan na lang.

Maya maya ay may nagpaabot ng pamasahe. Sinama ko na rin yung sa akin. Happy na ako! Pwede na akong pumetiks. Tumingin sa bintana. Mag-imagine. At umastang nasa pelikula.

May nag-abot ulit ng pamasahe. Lima sila na puro barya. Inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. Pero bago pa ako makapag-imagine, may nagpapaabot ulit ng bayad. Kinuha ko at binigay ko sa driver. At tumingin ulit ako sa bintana. Bago pa ulit ako makapag-imagine ay may nagsabi ulit ng, “Bayad po!” Todo-smile ako at inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

May nagpapaabot ulit ng pamasahe sa driver. Nakahalata na ako.

Mukha ba akong kundoktor. Meron bang nakasabit na nameplate sa leeg ko na nakalagay ay: Tagaabot ng pamasahe!

Chineck ko, wala naman akong nameplate.

Tinanong ko kung may magpapaabot pa ng pamasahe. May dalawang humabol. Inulit ko kung may magpapaabot pa ng bayad nila. Nakita ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na nakatingin sa kawalan. Okay lang, baka may problema lang. Naghintay ako pero wala na raw magpapaabot ng pamasahe. Inabot ko na kaagad sa driver lahat ng nagkolekta kong barya.

Tumingin ulit ako sa Bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

Si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal ay nagsalita ng “paabot ng pamasahe!”

Nasabi ko bang mainit? Oo mainit. Lintik lang ang summer dahil nagawa nitong pakuluin ang dugo ko. Tiningnan ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na parang nakatingin ako sa kawalan. Tiningnan ko siya mula sa blush-on niya papunta sa braso niya at sa kamay niya na nag-aabot ng pamasahe.

At tumingin ako sa bintana. At nag-imagine.

Inulit niya, “Paabot ng pamasahe..”

At sinaksak ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal. Pina-ikot ikot ko yung ice pick sa bituka niya. Hindi ko namalayan, nandilim na ang paningin ko. Nagtalsikan ang mga dugo. Nagulat lahat ng pasahero.

Pero nag-iimagine lang ako.

May ibang nag-abot ng pamasahe ni Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal.

Pumara ako.

Narinig ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Susyal, sabi niya, “Masubsob ka sana.”

Marahan akong naglakad. May kasamang hangin. May kislap ng mata. Hindi ako pwedeng masubsob.

 

 

Paano na lang ang titulo ko bilang Most Handsome Pinoy Blogger, di ba?

Ikakasal na Ako!

I’m a quarter of a century old. Natanong na’to sa akin. ‘Di lang isang beses, ‘di lang dalawang beses. At syempre, di ko na binilang pa. Prepared ako sumagot kapag ganito ang tanong. Sinasabi ko talaga na hindi sa akin ang pag-aasawa and tell them I’ll be a good father than a good husband. ~And of course, ako na ang hari ng pic-not-related.

Matandang Binata na Tito: Kailan ka ba mag-aasawa?
Ako: Tito, ganito ko kayo kamahal, papaunahin ko muna kayo.

Officemate: Kailan mo balak mag-asawa?
Ako: Dehins. Gusto ko lang ng anak. Baka gusto mo ng katulad ko na gusto lang ng anak?

Lola: Ayokong mamatay nang hindi pa kayo nag-aasawa lahat.
Ako: Kung ganon, hindi kayo mamamatay! Bwahaha.

Kapitbahay: Kailan ka hijo mag-aasawa?
Ako: Tita, di ba pag nag-asawa– conjugal property niyo na ‘yon? Kapag pinatay ko ba yung asawa ko, kahit makulong ako, akin pa rin yung mga ari-arian?

Classmate: Kailan ka mag-aasawa?
Ako: Wala pa akong nabubuntis eh.

Close Friend: When ka pakasal?
Ako: Hinihintay ko na lang na magbreak kayo ni (insert name here), tapos magpapakasal na kami.

Teacher: Oh baka mag-asawa kayo pagka graduate niyo ha?
Ako: Hindi po, balak po muna namin maglive-in bago ang kasal.

College Classmate: Balak mo bang magpakasal?
Ako: Mas mahal magpa-annul/divorce kaysa sa wedding.

Isa pang officemate: Magpapakasal ka?
Ako: Ay, strict yung pey-rents ko.

Kapitbahay: Oh, kelan ka ikakasal?
Ako: Oh, Tita, ilan nga ulit yung kabit ni Uncle?

Tita: Kelan ka mag-aasawa?
Ako: Pag stable na’po.
Tita: Oh, konting ipon na lang ‘yon!
Ako: Pag stable na’po yung utak ko.

Bata: Kelan ka ikakasal kuya?
Ako: Pag malaki ka na yayayain na kitang magpakasal.

Lolo: Pag kinasal ka..
Ako: Ipapamana mo yung lupa mo?
Lolo: Yung kalabaw lang.
Ako: Wala nang kasalan pag ganyan..

At wag na wag kayong se-segue na: Gusto mo mag-ninong sa kasal ko?

Pic Not Related

Segue:

Alas diyes ~Paggising ko, nagcomputer ako. Nag-edit ng mga files at nagbrowse ng mga feeds sa social network sites. Lumipas ang maraming century na parang nakikipag-usap lang ako sa isang Greek historian. Tanghalian na pala. Kumain ako.  Naglinis ng kwarto ~natapos pero marumi pa rin.

Balik internet. Napagod. Nagcheck ng mails. Nabored. Nag-email. Napagod. Nanonood ng videos. Nag-update. Napagod. Tumayo ako at nag-unat.

Nakita ko ang gabundok na dapat ay lalabhan ko sa araw na ‘yon. ~Alas-kwatro na. Saglit na lang at lulubog na rin ang araw~

Pero naglaba pa rin ako. Ginabi na ako sa paglalaba hanggang malagyan ko na ng hanger lahat ng damit. Gumagamit ako ng stick sa pagsasampay. Tatlong damit na lang.

Dalawang pantalon na lang.

~Yung huling pantalon, isasampay ko na eh.. kaso nahulog ko pa sa aquarium. Nagkatsunami at natutong lumipad ang mga goldfish!

Beautiful!