Mga Bata, Pag-usapan Natin ang Sex

Minsan naiisip ko, makipagkilala kaya ako sa bus at pag-usapan namin ang tungkol sa sex na parang pinag-uusapan lang kung paanong ang carbon dioxide ay nagiging oxygen. Sex lang naman ang pag-uusapan.. napagtanto ko na simple lang naman ‘to. Sex alone is just as effortless as the process of combining genetic traits, or penetration ng genital ng lalake sa genital ng babae. Simpleng simple. Pero paano kung ang magtatanong sa akin ay isang five-year old na bata, ganon din kaya ang isasagot ko sa kanya, or I would be most people na ikwekwento ang sex in a fairy tale genre, in a jokingly manne,r or just a plain-lie-chronicle-supposed-to-be-story-for-children. Naisip ko bata yon.

Malalaman niya rin yon quite a few years from that time. At bata ‘yon na gusto ng mga kasagutan sa mga tanong na nakakapagpalito sa kanya. How pathetic na sasabihin mong galing siya kung saan at napulot lang sa tabi ng kama. I believe he is a child and a child could understand more. A kid should not be tied from the word ‘only’ because he is a being whose innocence could understand the most complicated matter as long as you let him understand it. But most, nasa iyo ang malaking responsibilidad na maaaring makapagpabago sa buhay ng isang bata. Nasa iyong kamay ang magiging kinabukasan ng musmos na nagtatanong sa’yo. Nasa isasagot mong kwentong nagtataglay ng mahigit dalawampung salita ang maaaring makapagpabago sa mundo. Nasa batang ‘yon ang maaaring mag-impluwensya sa mga daan-daang tao na maaaring mag-impluwensya sa milyon-milyong tao dito sa mundo.

Kung iisipin, ang sex ay hindi isang komplikado at maselan na usapin. Ang komplikado at maselang subject matter ay kung ano ang gagawin ng isang bata sa pagkakaalam niya sa salitang sex. Ang komplikado dito ay ang buhay ng isang musmos. Kaya sa akin, pag may nagtanong na five-year-old na bata tungkol sa sex, madali lang.

Er, mahirap din pala. Pero dahil future ng mundo ang nakasalalay sa akin, ipapaliwanag ko ng walang halong fairy tale!

Advertisements

0 thoughts on “Mga Bata, Pag-usapan Natin ang Sex

  1. paano nga ba..
    hmmm..
    para kasing kapag ginawa mong fairy tale ang story about sex baka mag pantasya lalo..lol

    hmmm paano nga kaya kung ang chikiting ko eh mag tanong ng ganyan..

    mag iisip muna ako..

    ng magandang way kung paano ko ipapaliwanag sknya ng mabuti…

    Like

  2. Shameless plugging aside, isshare ko itong blog entry ko sayo.

    http://www.allenyuarata.com/2009/02/germany-is-in-middle-east.html

    I don’t believe in fairy tales nor do I believe in “usapang matanda na bawal sa bata”. I think we should not confine our children’s minds into the world of a 5-year old. Kapag maagang nagmamature ang bata, mas napaghahandaan niya ang mga challenges that’s in store for him. We can explain everything we know pero dapat may kasamang caution at right use of words. It’s natural for them to give follow-up questions kasi hindi pa clear sa kanila ang mga bagay-bagay sa isang explanation lang. So we have to tell them that if they study well, they’ll understand eventually.

    “Sex alone is just as effortless as the process of combining genetic traits, or penetration ng genital ng lalake sa genital ng babae.”
    -aba e kung ganito ba naman mag-usap ang mga bata e, why not? haha.

    Like

  3. mahirap i-lebel ang utak natin sa utak ng isang 5-year old na bata, just a simple explanation and in the coming years maiintindihan na niya to…

    pwede yung snow white and the 7 dwarfs LOL

    Like

  4. simple lang…. may darating na stork sa ibabaw ng bahay nyo at ipapadala ang beybi sa chimney.
    yun ang tamang sagot pag tinanong ni beybi kung pano sya ginawa.

    ang sex kasi is a matter of discipline.
    discipline that can withstand the power of combined bodies to execute intimate passion.
    its motive is not to commit pure dark temptation, thus a participation to the normal lifecycle of human beings.

    Rabbits sex a lot,
    hamsters sex a lot
    so why can’t I?

    ^Ay di pala kasali tong last sentence. erase erase

    Like

    1. ang lalim naman. hehehe. kaya pala hanggang ngayon virgin ka pa rin hamster… hehehe peace..
      anyway, dapat talagang ma educate ang mga bata lalo na ang 4-5 years old about sex, hindi yung tipong tatakutin mo sila na hala, pag kiniss ka ni ganito mabubuntis ka. o yung tipong wag kang lalapit sa mga lalaki dahil nangangain sila ng bata.
      Basta ang alam ko lang dapat protektahan ang mga bata sa kamunduhan. o sa mga matatanda o kahit kalaro nila na hindi pa sila pedeng gumawa ng ganun.
      para sa akin, pinaka foundation ng bata yung may alam sila sa ganun, para pag naging teenager na sila at mainit na ang mga dugo o mataas ang mga testosterone ay alam nila kung ano ang dapat nilang gawin. BE SAFE. hehehe

      Like

      1. may classmate ako, sabi niya may mga nagki kiss daw tapos nabubuntis.

        parang yung BE SAFE portion ay dedicated kay hamster ah! hehe. ayos mga explanation niyo! natutuwa ako! hehe.

        Like

  5. i think we should not underestimate a 5 yr old’s potential to comprehend to whatever realities we are going to present to them.. its just a matter of trying to explain it in a very concise and efficient manner that these kids will understand. leveling off. empathize with the kid. speak to him in a language that a 5-year-old will understand. but i think its not right that we try to present these kind of things in a fairy tale way coz these are their formative years so if we present it that way, they will end up and grow up into believing that life is just a fairytale. 🙂

    Like

    1. bakit ang gaganda ng mga sinasabi niyo! parang wala na akong ma side comment!

      a child’s mind works laterally. in a curve motion. in a zigzag way. in a 3D. they are amazing!

      Like

  6. hirap nito…

    esp sa kulturang pinoy… madali lang ipaliwanag ang sex perse pero ang mahalagang ipaliwanag sa mga bata eh ang HALAGA nito… na ang sex ay di lang basta basta kundi dapat din nilang malaman na ginagawa ito ng mag-asawa na…

    kailangang tumaas ang moral ng kabataan ngayon.. dahil pansin ko lang na habang tumatagal eh nadedegrade na ang moral values ng kabatang pinoy…

    ang sex eh nagiging fashion lang na kapag nauso eh nakiki uso naman ang lahat… at di un tama…

    Like

    1. ibang iba kayo ngayon! grabe. wala na talaga akong madagdag.

      tumpak ka! pwede ka na manalo ng fridge dahil sa sagot mo. hehe. they labeled sex as a game. and so they play.

      Like

  7. para sa mga grown ups katulad niyo SEX is an interesting topic.

    pero sa batang bata na katulad ko (naks!) eh hindi namin yan gusto. wahekehek.

    dalaw ka pala sa blog ko ngayon na. may ipapakita ako sayo. sana matuwa ka. 🙂

    Like

        1. haha. may hikbi hikbi pa! i want to teach a child anything without malice. feeling ko yun ang way para maging matalino siya at maging articulate pagdating ng araw. bipolar, wag na iyak! hehe.

          Like

  8. Moralidad…hehe..mahirap ito ah!

    Minsan kasi pag tinatanong o sa hindi sinasadyang pagkakarinig ng mga bata tungkol sa seks..bigla natin itong iibahin, maaaring sabihin natin na ang sex ay lollipop, ang seks ay tsokolate para maligaw lamang natin sila.

    Naiilang pa tayong mga Pinoy na pag-usapan ang “seks” sa kabuuang aspeto nito lalo na kung sa kapamilya pa natin.

    Minsan naman nagagalit tayo,nagpapakaplastik,
    “ano ka ba namang bata ka, ang bata bata mo pa.

    Hay semilya..hehe

    Like

    1. sabi ng classmate ko, mukhang maganda daw ang name na Clitoris. Pag bata ka okay lang, kaso pag tumanda ka, parang bastusan na lang! hehe. Oo nga tama ka sa mga sinabi mo.

      Hay vagina nga naman..yay!

      Like

  9. pag tinanong ka ng bata about sex, try mo ieducate na lang sya regarding sex pero wag mo babanggitin ang mga sensored na idea, or try mo sabihin sa kanya, pag 18 ka na balikan mo ako at tanungin mo ako ulit

    Like

  10. very catchy ang title, ax ah! i have actually wondered the same… not with 5-year old kids though. even with adults, most people still consider this topic as a taboo. i guess it’s with the culture we have here. unlike in other parts of the world, they can easily talk about sex. yung ngang question na “are you still a virgin?” eh normal lang sa kanila like asking “do you drink coffee?”.

    but just the same, i dont think i could ever discuss sex to a 5-year old kid… baka pag 6 na cya eh pwede na. hehehe!

    Like

    1. sa Pilipinas, ang sex at ang mga salitang nakadikit dito ay masyadong taboo. totoo naman na may limitation ang topic na ito, yung mga bagay na malaswa ay maaari ng huwag pag-usapan! hehe. pero kung usapang intelihente ay pwede na! hehe. salamat sa comment ate winkie!

      yay, pag 6 na siya?! oo nga, mas matured na!

      Like

  11. Naku napakahirap magpaliwanag ng ibang mga konsepto sa isang bata.

    Alala ko tuloy nung nag-brownout dito habang nanonood kami ng movie ng bossing ko. Galit na galit sya! Hirap na hirap akong ipaliwanag ang brown out. Haha.. Lalo pa siguro ang sex. ^^

    Like

    1. haha, talaga! nakow, mahirap nga yan! hehe. nung nag brown out, hindi mo naman alam ang dahilan kaya minsan. ang akala natin may pumutok na poste o kung ano ano lang.

      hehe. baka naputulan kayo ng kuryente! cute naman ni alex, nagalit! hehe.

      Like

  12. natanong ko na yan sa mga estudyante ko eh. simple lang diba? answer them and talk about sex in a matter of fact manner. the thing is, sa culture natin parang krimen pagusapan ang sex pero napaka barriotic diba? tumay naman ang sex so what is wrong with it? tao lang ang naglalagay ng malisya.

    Like

    1. tama! tao lang naman, depende sa kausap mo ang maaaring magbigay ng malisya kaya siguro piliin din natin yung topic sa isang tao! hehe. pero kapag bata, wala namang malisya yan! siguro sabihan lang natin in a scientific way! hehe.

      Like

    1. hehe! ganun ba father felmal! hehe. minsan sa parte ng magulang, nahihirapan silang ipaliwanag. kase ayaw nilang magkaroon tayo ng idea about this or that. hindi pa alam kung paanong pagpapaliwanag kase minsan ang mga magulang ay caught by surprise. hehe. hindi sila prepared for that question! hehe.

      Like

        1. i think we should at least explain scientifically these things. i wanna see kids of the next generation of having the flexibility to adapt to circumstances, as that is vital.

          Like

  13. sa aming mga nurse. para bang kasama na xa sa dictionary… hehe.. meaning, wala lang.. sex is sex.. ganun.. walang malisya.. siguro dala na din ng course.. pero para sakin, paminsan we should still made those things private.. and a very sensitive topic.. na di pwede iparinig sa mga bata.. even me I can’t explain that to them, because I never had an experience.. hahaha.. pero base on what I saw on movies, and how other people discussed that.. it should be treated confidentially. 🙂

    Like

    1. yup, treated confidentiality! hehe. oo nga, nurse(?) ka kase kaya okay lang ang salitang sex. parang equal lang yan ng copulation, procreation, o genetics!

      mabuhay ang mga bata dahil wala silang malisya! hehe.

      Like

  14. prang yung isang txt msg na nreciv ko dati im sure nreciv mo na din, prang ganito lang…

    tinanong ng babae sa ermats niya ano daw yung penis,
    sabi ng ermats niya pagtnda daw niya at gudgirl siya magkakaruon siya ng isa.
    pro pg badgirl, madami penis makukuha niya,wahaha

    hirap nga nman ipaliwanag sa bata.

    Like

  15. Hmmm…. Tadtad pala ng links ang post na ito… Bakit kaya? Hehe…

    Kahit anong sabihin natin, maselan pa rin ang usapin sa sex… Remember the “tabula rasa” concept? Ang isip daw nga mga bata ay parang blank slate (tabula rasa), susulatan pa lang… 😀 Kaya kailangang ma-ingat. Di rin mawawala sa mga bata ang curiosity… Curious hanggat di nasusubukan…They are strongly inquisitive and always augmented by exploration and investigation.

    Kaya nga may “parental guidance” at “Anak TV seal”…. 😀

    Like

    1. hehe, nakita mo ba yung link mo! yay!

      tama ka na naman kuya. kailangan mag-ingat dahil sa teoryang tabula rasa! ako rin naniniwala ako sa teoryang iyon! at curious nga sila. lahat tatanungin ultimo bakit ganito ang ulam? bakit makapal ang isdang ito pero ito hindi? bakit ganun?

      hay, ang sarap makasama ang isang bata!

      Like

  16. sa aking palagay mahirap pa talaga pag-usapan lalo na sa mga bata…kung yung mga matatanda nga dinadaan pa rin sa biro…ibig sabihin kailangang magbiro just to get accross a point…e pano naman kung bata ang kausap mo….kala nya biro lang …yun pala totoo na!
    isang pagbalangkas siguro ng ating kamalayan ang kailangan….na isipin na ang sex ay parang toilet training lang din…bahagi ng buhay na dapat maunawaan at matutunan ng tana!

    Like

    1. ang bata pag nagtanong tungkol sa sex at ikaw ay di prepared, huminga ng malalim. mag-isip. huwag gawing kumplikado.

      hehe. nakow, kaw pa kuya Blu, eh magaling ka magpaliwanag!

      Like

  17. nagtatanong na ba talaga tungkol sa sex ang mga 5-yr old kids ngayon? grabeh advance na talaga sila ano. kasi nung 5-year old ako ang mgatanong ko lang e,

    san galing ang ulan?
    bakit may kidlat?
    bakit hindi nahuhulog ang butiki?
    bakit madilim pag gabi?
    bakit tumitilaok ang manok twing umaga?
    Why do dogs like the smell of other dogs butts?

    LOL

    Like

    1. haha! tinatanong ba yun ng mga bata! hehe. at ang TV ay madaling kuhaan ng info ng mga bata. minsan marami silang natutunan sa national geographic o discover channel.

      at ang mga tanong nila ay out-of-this-world!

      Like

      1. tama maraming educational shows ngayon on TV, peru di dapat hayaan ng mga magulang na naka-depende na ang mga bata sa TV. Parents should be the primary source of information and the first teachers of their kids. hehe. gumaganun pa ko ngayon! hehe. kasi na-iinis ako sa kapitbahay namin. hinahayaan lang yung anak nila nanonood ng TV peru di naman nila tinuturuan sa mga assignments. kumukuha lang sila ng tutor for their 4-yr old and 5-yr old kids. wala talaga silang paki-alam. i was one of the tutors they hired for their kids. wala lang. na-share ko lang. Hehe. Happy Sunday! update ka na!

        Like

  18. I agree that most of the people consider SEX as a taboo topic. I believed that it is how we were raised and our culture.

    May mga paraan i believed na mapapaliwanag sa mga bata yun. pero kung ano ito, teka subukan ko tanungin si Dra. Margarita Holmes. : )

    Like

    1. hehe. si Dra. Margarita Holmes na know-everything! hehe. kungsabagay linya niya yan!

      hehe. oo nga, sex is a taboo here! pero ibang iba na rin ang Pinas. Di na masyadong big deal ang sex! feeling ko lang!

      Like

      1. ay i agree, ibang iba na tlga ang pinas ngayon. Bata pa lang kasi ako nun nung una ako makaranas ng……….ahhhhh…. ehhhhh

        TEXT! (punas pawis… wheeew!?)

        napaka MODERN na tlga ng panahon ngayon noh! ahehehe

        Like

  19. siguro dahil ang seks ay isang bagay na taboo lalo na sa isang lipunang lumaki at nakasanayan na ang konserbatibong kaisipan. banggitin mo ang seks sa kalye at mga matang mapanghusga ang makikita mong sumasaksak sa’yo na parang isa kang taong manyakis at mahilig makipagkantutan sa iba’t ibang klase ng puke.

    yeah, maraming magrereak kapag ginamit mo ang salitang puke, tite, kantutan, etc. pero wala naman talagang bastos diyan kung sa hindi bastos na pang-unawa ang gagamitin mong sangguni.

    maybe we’re just putting vagina, and penis, and anything sex up above a never-to-be-shattered pedestal. which should not be the case.

    unang comment sa unang pagkakaligaw ng landas. nice!

    Like

      1. hahaha. natawa naman ako sa kuya lio na pagbati mo sakin. pwedeng lio na lang parekoi? o kaya pareng lio. o kaya gagong lio. wehehehe. bente-uno edad ko. di naman siguro tayo nagkakalayo ng edad. hehehe. apir!

        Like

          1. nyahahaha. so ikaw pala dapat tawagin kong kuya ax. ilang taon ka na ba parekoi?

            nakakatuwa talaga ang pagba-blog. habang tumatagal, paliit ng paliit ang mundo ng sangkablogosperyohan. mas marami kang blogger na nakikilala dahil sa sanga-sangang blog roll ng blogger na nasa blog roll mo makikita mo sa blog roll ng iba. teka, naguluhan ako sa sinabi ko. huhlolz!

            Like

            1. kaya dapat kuya lio wag ka tigil pagbbblog kasi masarap magblog marami kang makikilala..ive read from one of blog post ni kuya jan na u dont have time for blogging…tsk tsk tsk

              Like

  20. May nabalita noon, 11-year old at 7-year old na mga batang lalake, nang-rape ng 5-year old na batang babae.

    Naglalaro lang sila ng bahay-bahayan noon. Nagkaroon na pala ng rape.

    Tumatak iyon sa aking isip. Hindi ko malimut-limutan. Ang babata! Nang-rape na!

    Naguguluhan din ako sa usaping ito – tungkol sa pagbibigay ng info tungkol sa seks sa mga bata.

    Pero, mahirap kapag ginawa natin silang ignorante. Iba na ang panahon ngayon. Mga bata pa lang, ang liliit, marunong nang magsipagmura. Marunong na ng mga bagay sa seks.

    Nasa kamay nating mga matatanda kung paano natin sila imumulat. Mag-ingat-ingat tayo at maging responsable sa pagpapalaki at pagtuturo sa kanila.

    Like

  21. gusto ko yung topic mo… hihihi..
    kidding aside, na curious din ako, basta… mas maagang turuan ang bata para maging responsible pag tumanda. hindi yung tipong sex lang taz tapos na.

    Like

  22. hirap nga magexplain sa bata. Pag nagexplain ka ng mahaba, minsan nabo-bore at di na nakikinig. Kelangan maiexplain sa bata ng maayos, hindi lang about sex, pati yung responsibilities and consequences na kasama nito.

    Like

    1. hehe, actually, sabi ko ito ba si jason. hehe. tumpak, kailangan mai explain ng maayos sa bata ang mga tanong nila. ng walang halong, uhm, walang halong eklavu? yay.

      Like

  23. mahirap ipaliwanag pero madaling gawin, kung skin lng it’s ok to tell things like this to kidz pero meron hangganan.

    We should consider kung pano mag icp ung batang sasabhin natin and then of course kung ano ung enviroment nakina lakihan nya, what are the attitudes of people around him/her.

    We all have our habits, it’s just that how would that “habit” be applied considering the rules of morality.

    naniniwala din ako sa cnabi mo ax na pag nagtanong na ang bata kung ano ang sex un na ung right age. What matters most is how you explain it to him/her so that he/she would clearly understand the risk of it.

    Like

    1. uy, dex! hehe. di ka na warning? yay. tama, we should consider kung paano mag-isip ang isang bata! at i-consider lahat ng aspects na pwedeng makaapekto sa mind ng isang bata!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s