Kung Paano ako Natalo sa Pustahan ng Sabong

Fastest Kill. Registration: P300.00. Last day. 

Yan ang theme ng sugal ngayon sa tupadahan/sabong kung saan ako nagbebenta ng mineral water. Nagbebenta rin ako ng yosi’t sopdrinks. Sa dami ng binebenta ko, kulang na lang eh pati one-day old chicken ay ilako ko sa mga mananabong.

Mula Sa Wala, Sa Meron, Sa Puti, Sa Pula, Sa Gitna. Sa Dugo, Sa Balahibo, Sa Swerte. At may tamang paraan ng pagwawasiwas ng kamay o senyas ng mga daliri kung magkano ang tayaan. Daan, Libo, o Motor. Sugal na may kasamang panalangin. Pustahan kalakip ang kalul’wa. Okay, tataya na ako. Uno-uno. P1,100.00. 

 

Akso: Pre, ayos ba ‘yan?

Pre: ‘Di natin masasabi. 

Akso: Pupusta ako. Uno-uno. 

Pre: Go away, Anna. 

Akso: May pera ako. 

Pre: Just go away. 

Akso: Papupustahin mo ako o mag-iiskandalo ako dito? 

Pre: Oh, uno-uno daw. Pakilista na. 

Akso: Lagyan natin ng glitters para matakot yung kalaban. 

Pre: Atsaka balloon. 

Akso: Tapos necklace na may diamond. 

Pre: ‘Pag heto natalo, iyak tayo. 

Akso: Okay na ‘yan. Rak na yan. 

 

‘Di ako nanood ng laban. Why will I? Eh nagbebenta nga ako ng mineral water. Pero minuto lang ang itinagal ng tournament. Bumalik si Pre. Sumenyas. Patay daw. 

Tsk. ‘Di kase ako naligo kaya malas eh.

Okay lang. Kahit talo eh naibenta ko naman lahat ng mineral water ko 😄

Tatlong Berbalang

Nakatambay ako sa mundo ng limbo at biglaan eh nagsimula na rin akong managinip.

Sa panaginip ko ay alam kong may tatlong Berbalang (maysataong hitsura, kahawig ng bampira ngunit may mga pakpak at pahabang mga mata.) Hindi ko alam kung bakit pero alam ko na may atraso ako sa tatlong halimaw. Alam kong may gusto silang makuha sa akin na hindi ko naman alam kung ano rin. At sa maraming kasagutan na hindi ko alam kung saan nanggagaling, alam kong ito ang gabi ng kanilang pagdalaw.

Papatayin ng Unang Berbalang ang mga kaibigan ko.

Pero handa rin akong makipagpatayan para sa kanila.

At nagsimula ang engkwentro ko sa unang halimaw. Hardcore action-packed ang nangyari. Wala man lang akong armas na gamit pero proud ako dahil pisikalan ang labanan. Tadyak at suntok. Hila at tulak. Sampal at kalmot. Pero malakas ang halimaw.  Noong tumilapon ako, doon nito nilapitan ang isa sa mga kaibigan ko. Biglaan– at naging dugo na ang kulay ng paligid. Doon na’ko nagalit. Napatay ko ‘yung berbalang sa kung paano sinapak ni Gon si Neferpitou. Sa mukha. Solid na suntok sa mukha hanggang sa malagas ang ilong, ang mata, at ang mga ngipin.

Nagising ako mula sa panaginip ko. Galit na galit ako. Nagising ako dahil galit ako.

Pero kahit galit ako– eh natatakot pa rin ako matulog. Dahil sa panaginip ko ay may natitira pang dalawang Berbalang. Alam ko na ‘yung ikalawang Berbalang ay gaganti sa pamilya ko.

At ‘yung ikatlo naman ang papatay sa akin.

Time check: 2:40 ng madaling araw. Nagkaroon ng tagtuyot sa lalamunan ko. Have to get up to drink some water. Gising pa si Daddy pero wala siya sa living room. Dumiretso ako sa kusina para uminom. Pagbalik ko sa sala eh kinausap ako ni Daddy at nagkwento.

Doon ko nabalitaan.

 

RIP, Joey Boy.

Losing Something You Never Had Tanginuh Lang

I’ve been eating a lot of every thing– pwera lang kahoy at panis na ulam. Kase I lost a lot of weight noong nagkasakit ako. Simpleng tonsilitis with trangkaso and ubo lang naman (pero muntik-muntikan ko nang i-diagnosed ang sarili ko na mayroon akong malaria).

Ganito kase ‘yown, I went to Coron. At kilala niyo naman ako, hindi ako umiinom ng malamig na tubig kahit sa opis. Or kahit dito sa bahay.

Eh since gusto ko ma-experience every thing kasama na ang calamansi, watermelon, banana, and apple shake– na nainom ko within two days lang– kaya nagkaroon ako ng tonsilitis.

Pero kinabukasan, nag-swimming pa ako sa beach kahit alam kong may sakit na ako.

Tapos the next next day, umuwi na ako ng Manila na may souvenir na trangkaso.

On my third day, pumasok pa ako sa university.

Tapos ayown– understatement kung sasabihin kong trangkaso lang ang inabot ko. Ang laki nang ipinayat ko. Nakakalungkot isipin na nawala na yung mga muscles ko. MUHAHAHA. I swear I’ll get back my gorgeous body. For now, energy bars before I sleep. 

P.S.: Na-stranded kami sa Coron at inabot kami ng five days. <Insert over-dramatic curses here.> 

Good Night, Pakernuters

Minsan, gusto ko maglabas ng angst tungkol sa universe, sa haircut ko, sa mga alikabok na lumilipad-lipad, o sa mga chakang nakakasalubong ko pag naglalakad ako– pero ‘pag naiisip ko na wala namang may interes sa mga anguish and dilemma ko sa buhay, eh pinapabayaan ko na lang na tumambay sa World of Unspoken Things ang lahat ng kabadtripan ko.

Gabi na.. still, good night pa rin.

Fan Mail Para Kay Lord

Lord,

Yung ibang tao ay nanghihingi ng peace of mind, ng strength of the body, at ng swerte para sa pagdating ng 2014. Year of the Wooden Horse ‘ata pero ‘di ko alam. ‘Di ko na niresearch dahil hindi rin naman ako naniniwala kung anong year of the animal ‘yan.

Pero ako, Lord, iba ang gusto ko this coming year. I’ll make bullets and numbering para hindi na po kayo mahirapan.

1. Bigyan mo po ako ng flirting prowess para naman makalandi ako this coming year; at ‘di ko na po kailangan ‘yang wisdom wisdom na yan para matagpuan ang tunay na happiness.
2. Luminaw pa sana ng slight (lang naman) ‘tong mata ko dahil di ko na po talaga makita ang mga gwapo at magaganda sa layong 10 meters away from me. Kahit 200 na lang ang grado ng mata ko dahil ‘di ko na rin po makita kung may natirang pulbos sa mukha ko.
3. Pagtibayin mo po lalo ang aking pananaw na mas maganda pa rin bumili sa ukayan.
4. Isa pa, Lord, di ko kailangan ng swerte. Bigyan mo ako ng pera. Yung cold cash. Yung mga senaryo na tagapagmana pala ako ng isang hacienda. Yung ganyan.
5. Sige na nga. Gusto ko na rin ng long life and good health.

Kung kailangan magtanggal ng isa, kahit wag na yang lablayp na yan. Tutal, kahit walang lablayp pwede naman magkaroon ng sekslayp. Di, joke lang.

Nalaman ko na po kung ano ang gusto kong gawin buong buhay ko. Sana payagan niyo ako magawa ‘yun. Gusto ko sana magsulat lang nang magsulat. Gawing trabaho ang pagsusulat. Gawing pahinga ang pagsusulat. At gawing pag-ibig ang pagsusulat.

Minsan eh gusto ko pa rin maging isang unicorn pero okay lang kahit hindi na ‘yun matupad.

Sa totoo lang, hindi ko na po kailangan ‘yang happiness na yan na matagal ko nang winiwish-a-wish. Mas okay na sa akin ang contentment.

Yung kontento na po ako na meron akong walong bank accounts na puro million-dollar ang laman, malaking bahay, younger-looking skin, at space ship. Thank you, Lord. Thank you sa lahat.

I remain a perfect being,
Akso Rojas

Minsan Nakakalimutan Kong Ang Gwapo Ko

Pumunta ako sa tindahan para kumuha ng shampoo.

Wow! May mga bagong sitsirya. Tingin, tingin. Kwento, kwento. Tikim, tikim. At umuwi akong may dala-dalang:

1. Hotcake mix.
2. Pure cornstarch.
3. Eggs.
4. Seasoning granules.
5. Ground pepper.
6. Curry powder.
7. All-purpose cream.
8. Creamy condensed milk.

Pagdating sa bahay~ ayun at wala pala akong nakuhang shampoo.

Tsk. Kailangan ba talagang may drawback ang pagiging gwapo?

Kulay ng Kakornihan

Radical Red. Forest Green. Eggplant. Desert Sand. Electric Lime. Inchworm. Magic Mint. Outer Space. Mountain Meadow. Screamin’ Green. Black. White.

Ring a bell?

Dati naman, madali lang tandaan ‘yung mga kulay sa box ng Crayons. Walo lang ‘yung dinadala ko sa school noong kindergarten ako. Noong Grade 4 na ako gumamit ng 16 Colors. Pero ngayon, may specialty crayons pa katulad ng Pearl Brite, Metalic FX, Magic Scents, Silly Scents, etc.

Sobrang nag-evolve ang name creation ng Crayons the past few decades. Prussian Blue to Midnight Blue. From Flesh to Peach (in response to US Civil Rights Movement). Indian Red was changed to Chestnut (dahil baka ma-misinterpret ng kids ang skin color ng mga Native Americans). And the name creation goes beyond to having a State-Your-Color Contest.

Bakit ko ‘to sinasabi?! Kase.. kase nagsisisi ako dahil ang mga sagot ko sa slum book slash autograph ng mga classmate ko sa favorite color ay ang walang kamatayang: BLUE/SKY BLUE/LIGHT BLUE.

Feel sooo humdrum. I wished I knew Cerulean when I was 5 years old. Knowing Cornflower will also do. 😄