Nang Makausap ko si Morten

Maulap dito sa aking mundo.

Naexperience mo na bang magpunta sa gubat bago magbukang liwayway– yung oras na pinalilibutan ng hamog ang buong paligid? Yung wala kang makikita na kahit ano dahil nababalutan ng usok ang bawat lugar? Ganyan ang mundo ko. Kahit liwanag na galing sa langit ay hindi kayang pasukin ang kapal ng ulap na bumabalot sa buong paligid.

Mahilig akong tumambay sa matataas na lugar. Tulad nga ng sabi ko, mausok ang mundo ko at wala na akong takot sa kahit ano dahil pinalalabo ng ulap ang kahindik-hindik na pagkalula ng isang mataas na tanawin– sa ganitong paraan ko natutunan mahalin ang usok.

Pero kanina lang, eh, lumiwanag ang mundo ko. Isipin mo na lang na hinawi ng hangin ang ulap at nakita ko pansamantala kung gaano kaganda ang bawat istruktura ng matataas na gusali at asul na alapaap. Parang natunaw na yelo ang usok. Parang sine sa pelikula. Parang hindi kapani-paniwala.

Ilang segundo lang ‘yon at binalot muli ng usok ang mundo ko.

Ganito ang nangyayari kapag may isang tao na nagsisindi ng kandila sa puntod ko. Ako nga pala si Morten at namatay ako ilang dekada na rin ang dumaan.  Sa ngayon, nagbago ang plano ko. Pupunta muna ako sa libingan ko para makipagkwentuhan sa ibang manlalakbay.

Paano ba yan, maligayang undas na lang para sa’yo.

Advertisements

33 thoughts on “Nang Makausap ko si Morten

    1. ako rin, heksayted na sa hp 7.1. at kahit hindi na siya 3d, sa imax pa rin ako manonood. ohoho! XD

      isang mapagpalayang undas na lang sa’yo, akso. nung una, akala ko parang pagmumuni-muni sa sarili papunta ‘tong post mo. tas biglang liko sa mga nitso’t patay pala. hakalain mo ‘yun?

      Like

      1. sna marameng makausap c morten. no not me. ok na ko sa mga buhay na kausap ko. steady ka lng jan.

        nga pala ingats lang sa mga 3d glasses guys..npanood ko kgbe s news dat shades/3d glasses had this bacteria w/c are most evident to feces. yup, feces.

        good morneng! happy almusal! 😛

        Like

      2. Ako rin, excited rin ako sa HP7! Yan ang movie na sabay sabay kaming nanood kasama yung mga kaibigan ko nung high school! ;]

        Late na reply ko Lio! Merry Christmas na lang ang bati ko!

        Like

  1. alala ko pagsapit ng ganitong panahon sagsag sa paggagadgad ng kamoteng kahoy at niyog habang abala naman ung iba sa paggiling ng malagkit at bigas.
    bago sumapit ang undas halos makalbo mga saging at punong niyog.
    sari saring kulay ng kandila at naggagandahang pumpon ng mga bulaklak ang naghihintay para iaalay.

    ako? masayang nangongolekta ng bulaklak ng waterlily at luyang dilaw na itutuhog sa tulong ng stik at mga dahon sa kapirasong palapa ng punong saging.

    Like

  2. Mas ayos kung magsisindi ka ng kandila para sa lahat ng naglalakbay na katulad ni Morten dahil hindi nila alam kung saan sila pupunta.. at higit sa lahat para bigyan ng liwanag ang patutunguhan nila.

    Like

    1. Nung bata ako pinaghahanda pa ni mama ko ng pagkain sa plato at isang basong tubig na may kasamang bulaklak at nakatirik na kandila ang mga katulad ni morten…

      tinanong ko siya bakit… para daw hindi nila isipin na hindi namin sila naalala… hindi kasi kami nakakadalaw sa mga nitso nila dahil malayo… kaya sila na nga ang umeport dumaan sa bahay namin, tama nga naman na sila’y pameryendahin. Pyesta nila kaya namamasyal sila. 🙂

      Sa mga ganitong araw ko feel makitulog sa kwarto ni mama.

      happy halloween ^^

      Like

        1. This is a late reply guys.

          I never thought I’ll be distracted with me writing for this blog. Well, I guess it was shortlive.

          Haha. Ganyan din dito sa bahay. Pinaghahanda rin sila, softdrinks, pagkain, yosi. Nakakatuwa lang. ;]

          Like

  3. A simple prayer those suffering souls and those who continue to be restlessly roaming our world will do… 🙂

    Lighting candles is simply a tradition that was carried over during the time of the persecution when Christians used to hide in the catacombs… 🙂

    Happy halloween!!!

    Like

  4. mayiseshare ako tungkol kay Morten
    alam mo ba kuya ax 3 beses kong niopen yan, 2 kay kuya vaj at isa sa Tamabayan ko
    pero ang lumilitaw na post yung Intentionally Left Blank Title.

    ang buong akala ko eh parang time capsule din siya na post mo nawawala na lang bigla at lilitaw. Promise totoo sinasabi ko. Maniwala ka.

    Okies kung nasaan man si Morten sana mapayapa na siya. Iba kasi ang paniniwala ko sa death eh. Pero dahil nakakasense ako ng mga ganyan sa totoong buhay ay naniniwala ako sa mga ganyan… pero basta magulo ako hahahaha

    Like

  5. haPpy halloween!
    all souls day nga pla,sana di nila ko dalawin dahil sa hindi ko pagdalaw sa kanila… 😀 this year lang naman..ü

    Like

  6. hanggang kailan kaya sila maglalakbay?? hmmm…

    nakakalungkot na pangyayari pero sabi nga nila taimtim na dasal lang ang magliliwanag at gagabay sa kanilang nakatadhanang patutunguan…

    kamusta ax???

    🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s