Intentionally Left Blank Title

Mahigpit ang kapit ni Igor sa agimat na nahati sa dalawa nang sakmalin siya ng mga matatalas na pangil galing sa isang nilalang na nababalutan ng balat na katulad ng sa ahas. Nagtataglay ito ng matatalas na kuko. Ang katawan ay kinumutan ng kamangha-manghang kaliskis na naglalaro sa kulay ng berde at asul. At mayroon itong mababangis na mata. Mga matang gutom sa dugo at laman-loob.  Mga matang kasalukuyang nakatitig sa kanya. 

Itinapon niya ang bertud sa kanyang likuran at nagwika ng isang dasal. At dahan-dahang binalot ng anino ng buwan ang parte ng gubat na kinalulugmukan niya. Gayunpaman, alam niyang hindi siya maililigtas ng panalangin kaya itinutok niya ang balisong sa kanyang kanang dibdib dahil ipinangako niya sa sarili na hindi makukuha ng kahit sinong halimaw ang isang bagay na hinahangad nito mula sa kanya. Sapagkat noong bata pa man siya ay napagdesisyunan na niya na ang kanyang puso ay kainlanma’y hindi magiging pulutan ng isang lamanlupa. Maaaring makuha nito ang kanyang bituka, ang kanyang atay, o ang kanyang apdo. Ngunit hindi ang kanyang tumitibok na puso.   

Tinitigan niya ang mga mata ng reptilya– at nalaman niyang pursigido ang halimaw nang inabante nito ang kanang paa bilang hudyat para sa susunod nitong pagsalakay. Hinigpitan niya ang kapit sa patalim at hindi na nagawang kumurap nang sumugod ang reptilya patungo sa kanya. 

At tumilapon siyang muli. 

Sa huling pagkakataon ay ngumiti si Igor at nagkaroon ng kislap ang kanyang mga mata dahil mamamatay siya na natuklasan ang misteryo ng gubat. Ngunit may panghihinayang dahil hindi na niya magagawa pang ikwento ang mga ito sa kanyang mga kaibigan. 

Pinalalabo man ng sarili niyang dugo ang kanyang paningin ay malinaw pa rin kay Igor ang desisyon na mamatay sa sarili niyang mga kamay. 

At itinurok na niya ang punyal sa kanyang dibdib.

 

Nagbalik gunita ang mga pangyayari ng kanyang kamusmusan. Matagal nang ipinagbabawal ng kanilang tribu na pasukin ang mapanganib na gubat dahil sa isang alamat tungkol sa mga asuwang na naninirahan dito. Simula nang siya ay magkaisip, ito na ang kwento ng mga matatanda na nakagisnan niya sa kanilang barrio.

At malinaw pa sa kanyang memorya ang araw nang may matagpuan na mga bangkay sa nasabing gubat. Mga bangkay na kasapi ng kanilang barrio. Mga miyembro ng kanilang tribu na itinuturing na pinakamalalakas at pinakamatatalino sa larangan nang pagtugis sa mga mababangis na hayop. Ngunit pinatay ang mga ito. Hiwa ang dibdib at walang itinirang lamanloob. Ang utak ay nilamutak. At ang dugo ay hinigop. 

Pitong taong gulang siya noon.  At alam niyang hindi pangkaraniwang hayop ang naengkwentro ng kanyang mga katribu noong gabi nang ang mga ito ay napaslang.

   

Tumingin si Igor sa buwan. 

Narinig niya ang mabilis na yapak ng halimaw. Papalakas nang papalakas. Papalapit nang papalapit. At ang tanging nagawa ni Igor ay sulyapan ang perpektong hugis ng buwan na may kakaibang liwanag.

At sa huling pagkakataon ay nalungkot siya sapagkat dadalhin niya sa hukay ang mga kwento ng pakikipagsapalaran ng kanyang huling gabi sa mahiwagang gubat. – KATAPUSAN

 

TAPOS NA PERO KUNG AYAW MO PANG MAMATAY SI IGOR, AYOS LANG.

 

Pumikit siya at naramdaman ang sunggab ng reptilya. Ang mga pangil nito ay tumagos sa kanyang balikat, ang mga kuko nito ay pumailalim sa kanyang dibdib, ang buntot nito ay pumulupot sa kanyang katawan. Tatlong segundo sa ganitong sitwasyon at ang tanging hinihintay na lamang ni Igor ay ang kanyang kamatayan.

Ibinaling ng halimaw ang mga pangil nito sa kanyang leeg. Pinatagas ang dugo. At sinipsip. Ngunit sa mga oras na’to ay wala nang maramdaman si Igor. Ni hapdi ng kanyang mga sugat ay di man lamang niya alintana. Namanhid na ang kanyang katawan– marahil dahil na rin sa kanyang napipintong kamatayan.  

Ngunit mataas na temperatura ang kanyang naramdaman nang muling dumaloy ang kanyang dugo na nagmumula sa kanyang puso. Binalot siya ng kakaibang init na hindi kayang pawiin ng tubig o lamig. At kakaibang apoy na nanggagaling sa loob ng kanyang kaibuturan ang umagos sa kanyang buong katawan. 

At pinakawalan siya ng reptilya.

Minulat ni Igor ang kanyang mga mata at ang bilog na buwan ang una niyang nasilayan. Naisip niyang ito ang tamang pagkakataon para kitilin ang sariling buhay kaya pinulot niyang muli ang balisong.

Ngunit kakaibang kamay ang kumuha nito.

Mga kamay na nababalutan ng balahibo na katulad ng sa lobo. Pinagmasdan niya ang kanyang kanang kamay at nakita niya ang sariling repleksyon sa talim ng balisong. Balbas-sarado ng balahibo ang kanyang mukha, dalawang pangil, at mga mata na gaya ng sa aso. 

Hindi niya alam kung magugulat siya o matatakot. Pero isa lang ang nasisigurado niya. Hindi siya pwedeng sumuko sa mga oras na’to. Tama, hindi pa siya pwedeng mamatay dahil may mga istorya pa siyang dapat ikwento sa mga kaibigan. 

Advertisements

47 thoughts on “Intentionally Left Blank Title

    1. ..mga kwento na sya ang halimaw sa gubat. na, hnd nia alam ang kanyang pagpapalit-anyo. na, iibig xa at makakakilala ng isang bampira. ano ang pipiliin nia, ang itinakda o pag-ibig na…

      IMORTAL?!
      rawr.
      😛

      Like

  1. Punyemas naman Ax. pag inggles, malalim. Pag tagalog, mas malalim. Ibig kong sabihin eh ang mga words na ginamit mo. Dinugo ako all over.

    Very descriptive ang attack ng reptile. I felt like I was Igor. My shoulders were even twitching a little as I read the lines.

    I may be wrong but I think Igor found what he was looking for for a long time in that hairy creature he met in the forest after his encounter with the reptile. Romantic. In case what I thought was correct, I would be very, very envious of both Igor and the hairy creature.

    I relate everything that stops people into hurting themselves to love. I am cheesy like that, see.

    Like

    1. Well, not really Fauxx. Medyo, matagal ng draft ‘to. Pero, /lit/ sure is giving me /moar/ inspiration in writing.

      I just downloaded all Plato’s worx at /rs/. Di ko pa lang nauumpisahan basahin. Hoho.

      Like

    1. Nope, yung isang monster is a reptilian. Igor, on the other hand, transformed into a wolf. I am thinking of another animal nga kase baka i-compare sa isang new show.. Pero I can’t afford to change a wolf into a boar or a hyena. So there goes, wolf na lang.

      Like

  2. napakatalinghaga, parang ang daming interpretasyon… mga taong reptilya, mga mapalinlang,pagsuko, pagbitaw, at kung anu-ano pa… pagsasara, katapusan, pride,immortal yay! san na ko napunta… parang ang hirap idecode! 😆

    ito na lang sana patuloy pang siyang magwento sa mga kaibigan 🙂

    Like

  3. napakatalinghaga, parang ang daming interpretasyon… mga taong reptilya, mga mapalinlang,pagsuko, pagbitaw, at kung anu-ano pa… pagsasara, katapusan, pride,immortal yay! san na ko napunta… parang ang hirap idecode! 😆

    ito na lang sana patuloy pa siyang magwento sa mga kaibigan 🙂

    Like

  4. okey ‘tong flash fiction na ‘to, ax. ibang-iba ang atake ng pagkakasulat kumpara sa mga nauna mong post. effective kasi parang gusto kong basahin ‘yung kasunod kung meron mang kasunod. hehe.

    a question though: why did you intentionally leave the title blank?

    Like

    1. Yung pinakarecent? Why no title? Di ko sure kung eto talaga yung gusto mong sagutin ko kase wala namang question yung una mong comment. Hoho.

      Seriously, at first, this is a love story, someone would save Igor but then I didn’t like the flow of the story so I changed it. Actually, the first draft is a darker one where Igor met his death at the hands of the Lizard [woman], yeah, the reptilian monster is a she, actually. That was when I changed the story where someone will save Igor. A guy friend, then I thought of a girl friend. But then, I managed to end the story where he himself will fight for his life. Ayun. ;]

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s