Hinawi mo ang iyong buhok na tumatakip sa iyong kaliwang mata kasabay ng isang upper cut na binato mo sa akin. Ngunit nagawa ko pang ihagis sa’yo ang inipon kong kuryente sa aking palad. Sumirko ka sa hangin at lumapag sa lupa ng walang galos at walang bakas ng electrocution at nagawa mong ilagan ang dagitab na pinalabas ko sa aking kaliwang kamay habang ikaw ay nasa ere. Lumiwanag ang iyong mga daliri, parang apoy na pinuno ng spirit particles at pinasabog mo ang lupa– at inilatag ng pwersa ang alikabok sa paligid. Tuluyan na akong natumba habang nakatitig sa pag-agos ng usok na pinapawi ng hangin. Naaaninag ko pa ang aparisyon mo at ilang saglit pa ay malinaw na kitang nasisilayan. At hinawi mong muli ang iyong buhok na nagsasabing tapos na ang laban.
Nagdilim ang 360 degrees point of area na kinatatayuan ko. Hay! Ito na naman ang vortex slash wormhole slash portkey door na magdadala sa akin sa common shared reality ng mga tao. Ang Earth. At malalaman ko na lang na natalo na naman ako sa mundo ng imahinasyon ko.
Ito ang mga iniisip ko kani-kanina lang.
Yup, that is not a dragonfly!
base ba ako?
LikeLike
Base ka nga sa iyong munting tahanan. Dahil diyan may pa-premyo ka mula kay aksoriyalmo 🙂
LikeLike
hahahaha baliktad ata?? bakit ganun!
LikeLike
base ako! wag na pumalag!
yay, may prize ako?
LikeLike
hahaha…nakabase sa sariling tahanan? ang kulet..^,^
Talent Shout? hmmm..azted pla c rhona…
tnx pla s spam…ang drama mu sa last part, hnd aq sanay ^,^…but am happy…anyways, punta kau ng daga at mantsa sa kite awards? hmmm..ayw ni tlgr..hmmmpp…
LikeLike
i mean, azteg hnd azted..^,^
panget ng gravatar ko d2 ah..-,-
cge 2log ng mahimbing, tipaklong..^,^
yoko ng smileys eh…
LikeLike
sorry, hindi ako makakapunta sa kite awards. nakakahiya nga kay kuya Bernard eh. tsk.
LikeLike
hala…nagbase sa sariling post. hehehe.
LikeLike
Subukan mo rin Father! Masaya! Nakikipag-unahan ka sa sarili mo!
Sayang nga, di ko nasagot ang sarili kong komento.
LikeLike
hehehe paiba ako. ayaw ko magpost sa sarili kong post..
may pakulo nga pala ako:
http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/
LikeLike
haha, awts. hindi ka talaga pwede mag base sa sarili mong post father dahil may pacontest ka!
LikeLike
huwaw naman, tagalog talaga kung tagalog
naku-curious na ko kay JayR
luphet kumuha ng photo ha..
gusto ko na syang maging friend 😀
LikeLike
Parang anime Ax ang mga salitang ginamit mo ah! Oon nga..it’s a batterfly.
LikeLike
Oo, anime kase ang iniimagine ko bago ko sinulat yan! wala kase akong dragonfly eh! hehe.
LikeLike
nosebleed. 🙂
LikeLike
or epistaxis.
LikeLike
dagitab? anong dagitab? ahehehe!
ax, parang anime nga etong kinukwento mo dito (tulad ng sabi ni TSI. *turo sa taas*) kanina ko pa iniisip sino bang anime character na gumagamit ng kidlat. zatch bell? pikachu? kakashi? 😛
LikeLike
kuryente = dagitab.
nakuryente ka na ba? nadagitab ka na ba? haha. wala sa kanila kase ako yung gumagamit ng kuryente! haha. o pwede rin na ban kai ni soi fon yown! o wag na tayo lumayo pa, gamitin na natin ang superhero ng pinoy, si kapitan sino!
LikeLike
Tila kay lalim ng inilathala mo. Hindi ko matarok ang mga kahulugan nito. Ito ba’y hinango mo sa isang anime? O may ipinahihiwatig ka sa mga katagang sinambit mo.
LikeLike
Haha, wala nag-iimagine lang ako! Atsaka gusto kong i-telepathy si Kulisap!
LikeLike
Kaya pala hindi makapasok ang aking mga mensahe, may paharang harang na signal sa aking lapatap kahapon, dalawang beses pang na-ipost ang aking bagong artikulo.
Habang bumabyahe ako,sabi ko, kailangan kong dalawin ang mundo ni Ax at ang sikreto nating pagsusulatan.
LikeLike
bat walang haduken!! hehe
tsaka bat walang link ng talent shout? hehe
LikeLike
Oo nga eh! sige, lagay ko yung link ng talent shout! wait lang..! awts, nakalimutan ko! hehe.
Walang haduken, luma na yown!
LikeLike
dagitab ano ax!!
ano naman nakain mo at di ko
matantya ang lalim ng pananagalog mo!
tapos.. naexcite ako sa fight scenes!!
LOL
tama si mon nasan
ang hadouken ko?
LikeLike
dagitab ay kuryente! haha. wala akong nakain kundi yung mentos na hapunan.
sige, gagawa ako ng mga istorya na may fight scenes! at wala ng haduken, marami ng bago tulad ng rei gun at ban kai.
LikeLike
aw
hahahaha
kuryente pala
ok
ire rey gun kita!!
di ka makakaiwas
LikeLike
dagitab? para ba sa diarrhea yun?
tigilan mo nga ang paghithit nyang…..kili-kili mo. nasisisraan ka na ng bait.
LikeLike
Haha, Mr. Nonsense, hindi po. Yun ang bagong Filipino equivalent ng electricity pero verb siya ginagamit! Hehe.
Awts, oo nga. Titigil na ako!
LikeLike
waha. ano daw? ‘yan talaga iniisip mo? pacheckup ka na tol. joke lang.
LikeLike
papacheck up ako.
Ax: Doc, tatanong ko sana kung buhay pa ako!
LikeLike
parang dragon ballz haha..ang kulet hehe..
may hawi hawi pa talagang buhok eh noh ehhe..
mahaba ba buhok ng insekto haha..
LikeLike
haha, tao si Insekto. Yay, si Kulisap! Click mo yung pinaka last link.
LikeLike
Pagtatama, hindi siya tao AX, gumagamit lamang siya ng mga tao sa mundo ninyo.
Pasapi-sapi.
LikeLike
Taong Insekto. Mali pa rin?
At anong insekto ka na ngayon bukod sa Putakti?
LikeLike
Hindi pa ako nag Puputa-kti , lamok-gusto kong manipsip ng dugo.
LikeLike
anong nangyayari dito?
LikeLike
hehe, wala lang! nag iimagine lang.
LikeLike
aaminin ko hinde ko nabasang maige…nag-nose bleed ako…pati talampakan ko dinugo…sa “dagitab” pa lang parang aatakihin na ako sa puso hehehehe
LikeLike
yay. gagamit na talaga ako ng mga salitang hindi masyadong malalim! hehe.
LikeLike
woist wag naman…kewl nga e…may natututunan akong bagong salita (mala-word por da dey ba) hehehehehe
LikeLike
Hehe. yun lang ata ang alam kong malalim na tagalog. wala ng iba. Awts.
LikeLike
sorry, *aaminin* dapat…nabulol ang daliri
LikeLike
na-edit na po! hehe.
LikeLike
Hmmm… Acetone o katol?
Hehehe…. grabe ang imagination mo Ax… 🙂
Tagalog ito pero nosebleed din ako katulad ni Rhona… Salita ba talaga ang “dagitab”?
Alam ko malawak ng talasalitaan ko sa Filipino pero hindi ko pa nakakasalamuha ang “dagitab”… 🙂
LikeLike
“..At pati ang salitang “kuryente” na tunog-pinoy sa kalutungan, ay halaw lang pala mula sa “[electric] current,” at ang totoong Tagalog nito ay “dagitab.” Lahat naman ng may kinalaman sa dagitab ay may panlaping “dag-“” – kebongkalbu
“Gayunman, kapansin-pansin ang hilig ng pagsasalin sa paglalapat ng salita para sa isinasaling banyagang salita. Tinutupad ang paglalapat sa dalawang paraan: (1) paghahanap ng pantumbas mula sa katutubong wika, at (2) paglikha ng salita. Inihahanap ng pantumbas ang isinasaling salita mula sa sinaunang Tagalog, gaya ng agham para sa science o siyensiya, dagitab para sa electricity o elektrisidad, tagilo para sa pyramid o piramide, at mula sa ibang katutubong wika, gaya ng lungsod mula sa Sebwano para sa city o siyudad, katarungan mula sa Sebwanong tarong para sa justice o hustisya. Sa kabilâng dako, unang halimbawa ng naging popular na likhang-salita o neolohismo ang bantayog (mula diumano sa aba!+ ang+tayog) para sa monument o monumento, banyuhay (mula sa bagong+anyo+ng+buhay) para sa metamorphosis o metamorposis.” – Virgilio S. Almario
Haha, sana tulungan ako ni Kulisap magpaliwanag!
LikeLike
hano dw?
waaaa….i cannot bret…
^,^
LikeLike
Nabasa ko na ang salitang “dagitab” sa libro ni Bob Ong, isang henyong manunulat na Pinoy.
Mapang-aliw ang mga libro ni Ka Bob pero may mga masasagasaan din tayo dong mga aral sa buhay.
Mas mahirap ang tagalog kaysa sa Ingles lalo na sa mga sumisibol na kabataan, mahirap arukin.
Sapagkat ang titik o abakada ay mahaba kaysa sa wikang Ingles, mas napapahaba ang direktang pagpapakahulugan ng mga salitang hiram.
Dagitab.
Halimbawa.
Kainaman ang aking pagkakilig ng madagitab ako ng aking iniirog.
LikeLike
virgilio almario. asteeg! mabuhay ang national artist!
o dapat bang sabihing mamatay na lang dahil sa pagluluklok ng de-nunal na walang kwentang nilalang sa taong ang pagpapakahulugan sa sining eh ang paggawa ng mga karimarimarim at walang kalatuy-latoy na pelikulang masaker. haha.
LikeLike
Lio at Kulisap, hinihintay ko ang mga sagot niyo dito.
Makikita sa libro ni Bob Ong ang salitang dagitab. Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino. Kung hindi man ako nagkakamali, nabasa ko rin iyon doon.
Hinawakan mo ako at ikaw ay nakaramdam ng pagkalamig. Hinawakan kita at ikaw ay nakaramdam ng dagitab.
Virgilio Almario. Literatura. Sining.
LikeLike
Between Bob Ong and Virgilio Almario?
Parang kinumpara mo ang Am at Suman sa Latik.
LikeLike
Ang AM ay panawid gutom sa sanggol na walang masusong gatas, literal na walang pambili ng gatas mula sa aso,kabayo,kalabaw o basta mga susong may gatas. Ang AM ay pwedeng lagyan ng asin o konting asukar.
Ang suman sa latik ay inihanda upang mabusog ang kakain nito, matikman ang malagkit na kanin at isawsaw sa matamis na bao, may latik pa.
Sanggol ang parokyano ni Bob, pwedeng nag-aasal sanggol na naglilibang samantalang si Almario ay may parokyanong gumamagamit ng katatasan at may sariling pag-iisip.
Kung ang AM ay masarap sa sanggol, ang suman sa latik kaya ay pwedeng panawid gutom ng sanggol?
LikeLike
jayr, i knew it. hindi pa tayo nakakarecover regarding sa subject matter, morbid scrot*m tales told every midnight.
anyways, who signed the A4, block type, in red font color and in capslock rage memorandum?
teka, hindi ko kinumpara si Bob Ong at Virgilio Almario.
kailan ang susunod na kwentuhan?
LikeLike
ngunit darating ang panahon na hindi na kakailanganin ng isang tao ang Am. Mangyari pa’t makikita Niya ang pagkukulang na nakukuha sa Am.
Hindi rin ba masarap isipin na dahil sa pagtalikod sa Am ay pinagbibigyan natin ang mga ibang “sanggol” na madampian ang mga labi ng Am?
at sigurado ako na dadarating ang panahon na tatanungin nila tayo kung mayroon bang kakanin sa literatura ng Pilipinas na magpapawi sa kanilang gutom?
Mahirap naman kasi na habang lumalaki ang mga “sanggol” ay hanggang Am na lang ang ating naibabahagi.
LikeLike
*salita
LikeLike
nabago na po! yay.
LikeLike
Siya, siya… Lubos ko nang naintindihan ang iyong paliwanag, este ang paliwanag nila… Hehehe…
Nakakatawa kasi kahit ako ay nagsimulang magsulat sa wikang Ingles, sa Filipino naman ako pormal na nagsulat bilang punong patnugot dati…
Alam ko ang tungkol sa mga pagbabago sa pagkalikha ng mga salitang “banyuhay” at “bantayog” at ang pinagmulan ng lungsod, pero sa totoo lang, ngayon ko lang nabasa ang dagitab… 🙂
Baka kailangan nang linisin at alisin ang mga namumuong kalawang sa aking talasalitaan… :)At hayaang ito’y mas lumawak pa… 🙂
LikeLike
kala ko sa english lang ako nose bleed, eh sa lalim ng ibang salita dito, dumaloy nanaman ang dugo sa ilong ko. ahahahahaha
galeng galeng naman mag kodak!
palakpakan!!!!
LikeLike
Hehe, ang tagakuha ko ng litrato ay si jayr. kaibigan ko yan. pero mukhang mas magaling ako sa kanya!
Nakow, kuya toffer! kaya mo rin gumawa ng ganyan! ikaw pa?! si topexpress pa?
LikeLike
animeng-anime ang dating ah! at ang lalim ng tagalog.
hehehe,ikaw na ngayon si kapitan dagitab!
may power ka na 1 million bolts!
ikaw ang kalaban ng napocor kasi binibigay mo ang kuryente mo, for free!
LikeLike
Teka, nabasa mo ba yung Trese? Meron kase doon na nasali yung Napocor. Mga lahi ng may kuryente ang kalaban ni Alexandra Trese!
Awts, nagkwento na naman ako.
Libre lang ba, nagpapabayad ako Father Fiel!
LikeLike
hehe..hnd ko nagets kht tagalog na…lalim…
nahuhulog ako…
waaaa….morning! $,$
LikeLike
Magandang umaga Sows.
Sows naman! Magiging ganyan ba ang gravatar mo kung wala lang? Hehe.
LikeLike
Hindi pala gaanong bebenta ang aking mga akda sa mga kakawing na saputan mo AX, pero ayos lang, kaniya kaniyang birada ‘yan.
Ikaw at ako at may isang siya, pwede na yan.
LikeLike
Hindi ako naniniwala sa iyong tinuran!
Ngunit nais ko ring baguhin ang aking “Ang Sapot ng Kometang Gagamba” upang masalamin ang mga may-akda na umuugnay dito! Huwag kang mag-alala, babaguhin ko iyon kung magkaroon ako ng oras!
Pipigilin ko ang pagiging normal mo.
LikeLike
Mabibigo ka,kailan ma’y hindi ako normal…hindi si J.Kulisap yon kapag naging isang normal siya.
LikeLike
Haha, yun nga ang gusto ko. Ang pigilin ang pagiging normal mo.
LikeLike
dagitab ang makalumang anyo ng salitang “kuryente” di ba?
napasadahan ko ang mga akda ng iyong kaibigang kulisap. mukang nakatagpo na naman ako ng matinong blog.
salamat.
LikeLike
Salamat Lio. Isa si Kulisap sa mga taong nagpapaisip sa akin katulad mo.
Kapalit ng buhay ko ang bago mong kuta. Hindi ko sasabihin kahit kanino!
LikeLike
Oo nga, pakiwari ko ay isa ring alagad ng sining ng kabaliwan si Lio Loco. Mapaniil ang ngipin ng kaniyang mga wika subalit nagsasalamin naman ng totoong pangyayari.
Kung papayagan mo LioLoco kung buhay ka at hindi ka isang anag-ag, maari bang maging tanikala ang iyong kuta sa kuta ni J.Kulisap at ni Palakol? Nagsusumamo
LikeLike
Kidlat at Kulog.
Itatanong ko.
LikeLike
hahaha.
nakakatuwa. pakiwari ko’y nagbalik ako sa panahong malamyos at dalisay ang tinig ng wikang Filipino.
malayung-malayo sa wikang Pinoy na kasalukuyan kong pinapanday, bagaman at hindi ko ito ikinakahiya. dahil tulad ng pag-inog ng mundo, marapat lamang na makasabay sa agos ng pagbabago ang wika upang huwag mamatay nang di kusa.
nais kong isiping ang pinaghalong tayutay ng makalumang Filipino at tarantado’t balbal na Tagalog na gamit ko sa aking kasalaukuyang pluma eh hindi pambabastos kundi nga’y pag-usbong ng makabagong anyo ng wikang sinasalita ng kasalukuyan.
para sa isang matinong blogger (na pakiwari ko’y wala pang matamang pagsasalin sa kasalukuyang bernakyular) na tulad ni ginoong kulisap, bukas ang pahintulot kong masilip niya ang datkom.
isa lamang paunang salita: mapangahas ang aking mga sanaysay. matalim. nakakasugat. sa madaling balbal na salita, puno ng kung anu-anong shit.
pakihanda ang iyong magaling na kaibigan, ginoong aksoriyalmo.
LikeLike
Nakakalapad ng bagwis, noong ako ay mag-aaral pa lamang, tulog-mantika ang aking kaisipan sa araling tagalog, sapagkat payak at nakasanayan ng sambitin ng aking dila, walang dating, nais kung yakapin ang pagbabagong hinihingi ng panahon, “Hey guyz, whazz up?” pero parang nagmumurang asong nagtatae ako kapag nagsasalita ako niyan.
Palakol kaibigan, ipadala mo ang kodigo kung paano ako makakapasok sa pintuan ng mundo ng mga Shit.
Gusto ko na ring mapa Shit.
Ang iyong babala ay walang panama, nais kung maramdaman ang sakit bago ako umaray.
LikeLike
Sana’y marapatin niyo ang aking pakiki-salamuha sa inyong kapanayaman. Ako’y namamangha sa mga usaping ito. Tunay ngang dalisay at kay sarap dinggin ng usaping Filipino hinango mula sa makalumang Tagalog. Walang halong biro, ito’y pawang katotohanan lamang.
Tulad ng iyong isinambit lio loco, sa bawat paglipas ng panahon, ang wikang Tagalog ay unti-unting nagbabago. Maaaring maimungkahi na ito ay kaalinsabay sa pag-unlad ng bansang sinilangan. Gayunpaman, ang pagbabago na ito’y hindi lamang namumutawi sa bansang ating kinalalagyan. Bagkus, ito’y kaayon sa pagbabago ng mundong pangkalahatan.
LikeLike
napadaan lang. nabalitaan lang po sa mga kaofficemate q
ang lalim na tagalog.
grabe ang epekto imahinasyon ng tao.
LikeLike
salamat. kung ganon ang mga kaopismate mo ay sila TLGR, precious at shea. Salamat!
LikeLike
hm, parang broken yung link.
LikeLike
chiiz ax kahit sa tagalog dinudugo pa rin ako sa tombong!!! i hate it haha!
LikeLike
awts. haha. dun ka talaga dinugo? yay.
gusto ko na nasasabihan ako ng ‘i hate you.’ sabihan niyo nga ako minsan! hehe.
LikeLike
late na naman ako??
hahaha
nice nice dagitab..
ayokong madaluyan nian 🙂
LikeLike
oks lang, kahit huli.. kahit una! wala sa akin yown. masarap madaluyan ng dagitab kung ito ay hindi tataas sa 220V. awts.
LikeLike
ayoko pa rin ginoong ax. hahaha.
kumikislap na power outlets nga
po ilag ako e. hehe.
LikeLike
minsan may isang kulisap ngunit di ko maapuhap
dahil sa pagkatanga ko
sa kinang ng kanyang dinadala.
LikeLike
alitaptap. sure na!
LikeLike
..hmm dagitab? hehe. di ko lam yun. at nako. si lio. nakita ko sa taas. hmmmmm. hehe.
..ang ganda nung tattoo. apir kuya! haha. :p
LikeLike
Nakita mo pala si Lio!
Ayos yung henna tatoo di ba?! Pagawa rin tayo niyan next time.
LikeLike
haha nalito pako amp! nung nagtanong ka kung base kaba?! bigla kong binalikan eh sino ba author ikaw naman diba!? haha maiba lang o sige!
ang ganda naman ng sinulat mo dagitab! hehe! haabng binabasa ko eh naiisip ko an dragonballz evolution habangh nagdedescribe ka yun ang pumapasok sa utak!
congrats! saglit mo akong nadala ng iyong imahinasyon sa kakaibang mundo!
LikeLike
Opo Kuya Boni! yay. nagulat ka ba kase nag base ako sa sarili kong post?
Sayang, di ko talaga pinanood yung Dragonball Z Evolution.. kase ayoko ng concept nila. Hehe. Maganda ba? Kung maganda papanoorin ko!
Sows, makakapunta ka rin sa ibang mundo gamit ang imahinasyon!
LikeLike
BASE!!!
ang gulo… ang gulo…
crispin… basillo… magsilabas kayo,, gulong gulo na ako sa mga nabasa ko….
hahahahaha… mag english ka na lang…
nice blog…
LikeLike
Hindi mo nga binabasa yung mga english artic ko eh! yawts. biro lang! sige, base ka. sabi mo eh!
LikeLike
kaka nosebleed naman po to..hahaha!!
pa visit po ng newest post ko..
http://wp.me/pDqV4-25
LikeLike
hindi naman. marami bang dugo na lumabas?
LikeLike