Usapan Namin ni Doktor

Since nasa Maximum Medical Improvement na ang lagay ng katawan ko ngayon, kailangan ko talagang makita ang healthcare  provider ko.  Kailangan na mag-usap kami ni Doc. Some weeks ago, may trangkaso ako at inuubo. Yay. Tagal na non, probably three weeks na. Medyo inuubo pa rin ako ngayon. Pero dahil nga idol ko ang isang tipikal na Pinoy na three weeks pa bago magpa-check up sa doktor eh ngayon lang ako nagpacheck-up. Feeling ko tuloy temporarily totally disabled ako.  Dapat ang work ko sa opis ay light duty at may restrictions na ‘no thinking over 10 brain cells.’

Graveyard shift ako. Oks lang para first sa line up pag dumalaw ako sa healthcare provider ko. Hindi ko alam..  wala akong kamalay malay na si Dr. Eurt ulit ang makakausap ko!

Ax: Good morning, doc!
Dr. Eurt: Hi, I am Dr. Eurt. And what is your complaint?
Ax: Blah, blah.
Dr. Eurt: Ah, salonpas lang katapat niyan.
Ax: Sure ka, doc? Kung sabagay, nung nabaril yung kapitbahay namin salonpas lang din ung ginamit niya.
Dr. Eurt: Bago ba shirt mo?
Ax: Er, hindi naman Doc.
Dr. Eurt: Ah, akala ko kaya ka umuubo dahil bago yang shirt mo!
Ax: Yay, bago kase yung shoes ko. Hehe. Biro lang.
Dr. Eurt: Okay! Say ah!
Ax: Eh.. er.. Ah!
Dr. Eurt: Okay, pakitaas ng shirt. Hinga ng malalim. Ulit, hinga ng malalim.
Ax: *Tibok, tibok, tibok.*
Dr. Eurt: Hinga pa ulit ng malalim.
Ax: *Thud, thud, thud.*
Dr. Eurt: Okay, hinga ng sobrang lalim.
Ax: *Pant, pant, pant.*
Dr. Eurt: Ayun, nagpapapansin ka lang kaya ka umuubo.
Ax: Sure ka doc, wala akong TB?
Dr. Eurt: Wala naman akong nakitang anything. Wala ka namang symptoms ng PTB. Iwasan mo na ang pagsusuot ng bagong gamit ha!
Ax: Doc, actually this is our second meeting. You were the assigned doctor in our company’s last last APE.
Dr. Eurt: Ah. Awkey.
Ax: Yun lang doc?! Hindi mo man lang ba ako kakamustahin what happened to me after we’ve met.
Dr. Eurt: Eto, ang prescription ko sa’yo.
Ax: Wala ba akong freebies?
Dr. Eurt: Kapag STD na lang ang sunod mong concern, okay ba yun.
Ax: Er, mukhang magandang deal yan.
Dr. Eurt: Any other concerns.
Ax: That’s it, Doc.

Woi, binabati ko si Dr. Eurt! hehe. Well, actually, mas professional ang usapan namin! Walang masyadong chismax hindi katulad niyan at puro health topics lang talaga!

Ow, I have to drink medicine. Ow, medicine. Sana sa susunod ang usapan namin ni doktor ay tungkol na sa blog ko. Yay, nakalimutan kong i-plug tong blog ko.

Advertisements