Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya

(This article by Akso Rojas won BlogSikat (english trans. BlogFamous) in Saranggola Blog Awards 1999.)

Mahaba ang gabi. Pumipikit. Padilim nang padilim!

Paunti-unting nasisilaw ang aking mga mata nakapikit man ang mga ito. Umaga na pala. Kailangan nang bumangon ng isang bata. Ako si Kaito, limang taong gulang, at paborito ko ang araw ng Sabado!

Bumangon na si Kuya kaya bumangon na rin ako! Sinundan ko si kuya papunta sa palikuran at kitang kita ko–mas mahaba ang kay kuya! Nagtaka ako kung bakit mahaba ang kay kuya kumpara sa akin. Bakit mas mahaba ang toothbrush niya? Pero masaya pa rin ako dahil magkasabay kaming nagtoothbrush ni kuya, paramihan kami ng bula at paputian ng ipin.

Kainan na! Ang aking baso na puno ng gatas at ang aking pinggan na mayroong tinapay! Kakainin ko na ang aking tinapay nang mapansin kong bakit mas mahaba yung tinapay ni Kuya? Oo, sinukat ko! Napakadaya naman. Napakarami kong gutom ngunit mas mahaba pa rin ‘yung kay Kuya. Pero nagdasal pa rin ako dahil mayroon kaming pagkain ni Kuya.

Tinawag ako ng mga kapitbahay ko! Maglalaro daw kami ng tagu-taguan. Saan kaya ako magtatago? Ah! Alam ko na. Magtatago ako sa likod ng bakod namin nang makita ko si Kuya habang naglalaro sila ng basketbol. Gusto ko na tuloy maglaro ng basketbol para magkakampi kami ni kuya.

“Boom Kaito!”

Yay. Hindi ko namalayan na naghahanapan na pala.

Ngunit tinawag ako ni Mommy. Sabi ni Mommy, “Kaito, kailangan mo na mag-aral kung paano magbasa.” Bakit ganun? Mas mahaba ang oras ng paglalaro ni Kuya. Bakit ako na maliit ay kailangan pa mag-aral? Ayoko na nga magtagu-taguan o mag-langit lupa. Ayoko na rin kumain ng tinapay. Ayoko na rin magtoothbrush. Bakit lagi na lang si Kuya ang pinapaboran?

“Mommy, bakit mas mahaba ang toothbrush ni Kuya?”

“Kaito, kase mas matanda si Kuya kaysa sa iyo.”

“Daddy, bakit mas mahaba ‘yung tinapay ni Kuya?”

“Alam mo Kaito, mas malaki si Kuya kaya kailangan niya ng mas maraming pagkain!”

Ganoon ba ang sukatan? Kapag mas malaki at mas matanda, mas mahaba na ang kay Kuya? Ganito ba talaga ang tunay na buhay.. Nakakalungkot naman na sa ganitong paraan ko napagtanto ang bawat bagay. Hindi ba pantay ang pagmamahal ni Daddy at ni Mommy sa akin at kay Kuya. Siguro nga mas mahaba ang kanilang pag-aalala kay Kuya kaysa sa akin.

Nakatitig ako sa bintana namin at dumating si Kuya.

“Bakit ka malungkot, Kaito?”

“Eh kase, mas mahaba ang toothbrush mo. Mas mahaba ang tinapay mo. Mas mahaba ang oras mo ng paglalaro. Mas mahal ka nila Mommy at Daddy.”

Inakbayan ako ni kuya. Tumatawa. Napabuntong-hininga.

“Kumuha ka ng diyaryo, ng walis tingting. Kukuha ako ng pisi at ng pandikit.”

At kinuha ko ang mga sinabi ni Kuya. Dalawang pisi ang kinuha niya. Ang isa ay mas mahaba at ang isa naman ay mas maikli. Siguro sa akin ‘yung mas maikli.

Tinititigan ko si Kuya habang nagmamaniobra ng mga papel. Ang galing galing niya kahit hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Para siyang inhinyero.

“Kaito, tapos na! Tera, pumunta tayo sa labas at paliparin natin itong mga ‘to. Heto ang sa iyo. Mas mahaba ang pisi na gagamitin mo. Eto ang sa akin, maikli lang.”

“Kuya, bakit?” ng may halong pagtataka. “Bakit mas mahaba ang pisi ko kaysa sa iyo?”

“Mas mahaba ang sa iyo para makarating ito ng langit! Kaito, tera na. Paliparin na natin itong mga saranggola,” napatigil siya at nagwika, “Kaito, ako ang Kuya mo. Mas malaki ako at mas matanda ako sa iyo. Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo. Bilang Kuya, aalagaan kita at proprotektahan kita. Pag ikaw ay naging kuya na rin, gagawin mo rin ito ha.”

433 thoughts on “Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya

          1. wala man itong pakpak. sumisisid ito sa malawak na kalayaan ng sangkalawakan.

            at patuloy na makikisalamuha sa ihip, sa ulap, sa araw.

            at titingalain mo ito sa pambihirang tayog at distansya nito sa lupa.

            ano daw?

            Like

  1. bakit naman ganun….ganun nga kuya ax…kaya pala mas mahaba ang sa yo kesa akin…hahahaha,,,in fairness maganda ang kwmeto talaga namang habang nagbabasa ako eh nakikipagdebate din ako sa sarili ko….hmmmm

    Like

  2. Mabuti na talaga ang malinaw! Hehehehe…

    Napakaganda ng kwento mo Ax… Sana lahat ng kuya kagaya ng nasa kwento mo… Panganay kasi ako, kaya alam kong hindi ako ganun… Hahaha!

    Seriously, it’s difficult to be looked up and to live on the expectation of being the good example. When you are the eldest, it’s difficult to fail… There seems to be no excuse… Sometimes I wish my older brother did not die and I turned up to be the youngest… 😀

    By the way, napakagaling mong maghabi ng mga ganitong short stories… I recommend that you take it to the next level… 😀

    Like

    1. nakow, panganay ka pala. and sad to hear about your brother. ako noong bata ako lagi akong inaaway ng kuya ko. yay. pero, di naglaon pinagtatanggol na niya ako.

      actually, i want to give tribute kila fauxx. their original story, siguro mas maganda diyan. pupunta sa mall ang pamilya at dun nila kwinento ang buhay ng isang bunso at ng kanyang kuya. hehe.

      huwaw, salamat at nagustuhan mo ang mga sinusulat ko. yay. pero, totoo, maraming salamat!

      Like

    1. oo nga no. naaalala mo ba yung commercial? uhm, siguro si stain maaalala niya yun. yun i love you mommy this big.

      tapos sagot ng mommy i love you from here to the moon. parang ganon. yay.

      Like

  3. ayos sa kwento bro..galing ng gumawa nito..kaw ba ang gumawa nito. Kuya pa naman ako di ko man lang naisip na maging ganyan sa bunsong kapatid ko..bwahahaha

    Like

          1. hindi na sige papaubaya ko na lang sa inyo yang contest na yan..supportahan ko na lang kayo thru comments..magspam na lang ako dito since may award for most commented entry di ba??hehe

            Like

  4. wow…
    di ko natanong yan nung mga bata pa kami ng mga kuya ko..
    hehhee kasi sila lahat lalaki ako lang ewan. hehehe

    ang cool naman. akala ko pa man din green, matutuwa na sana ako. hehehe jowk lang…

    syempre nagandahan naman ako…
    astig…relate talaga kung relate ang mga nababasa kong entry hehehe

    Like

  5. bago matulog ay nagcheck ako ng email sa cellphone at halos bumalikwas ako ng mabasa ko sa email na may entry ka at ang pamagat ay Bakit Mas mahaba ang kay Kuya… Oh Hindi!!!! laking takot ko. lol
    Kala ko greenjoke mayayari ako sa mga batang nagbabasa hehehe. Salamat sa maikling kwento. Naitanong ko rin yan dati, mas mas lamang sila kesa sa kin lol. tula naman sa susunod.

    Like

    1. ah ganun ba? hehe. yay. takot na takot ba kayo? nakow, oo nga, lagot ako sa mga batang magbabasa. hehehe! nakow, ano na lang ang tingin sa akin ng mga bata pag nagkataon!

      salamat at binasa mo pa rin kahit matutulog ka na!

      Like

  6. Nakakatuwa naman po ang entry ninyo. Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko. Panganay po kasi ako. Tama, mas mahaba nga ang pasensya ng mga nakatatanda kaysa sa mga nakababata (pero may mga exception din).

    Minsan nga, naaabuso na nila ang kabaitan ko, eh. Hehe. Pero ayos lang. Kasi, mahal ko po sila. Ganoon kahaba ang pasensya ko sa kanila. heheheh…

    Like

    1. Huwaw, ambait na kuya mo naman! ako bunso ako! kaya ayun, lagi akong napapagalitan ni kuya dati. pero okay lang, kasalanan ko naman. tapos nung medyo teenager na, di na niya ako pinapagalitan. hehe.

      at totoo, mahaba ang pasensya ng mga kuya!

      kudos sa iyo bilang isang kuya!

      Like

  7. Bakit nga ba mahaba ang kay kuya? ewan ko ala ako kuya.hehehehe.. pero ang galing. gnun pa pa my kuya. tingnan ko muna yung sa kapitbahay namin kung mahaba nga. kuya tawag ko dun e.heheh

    Like

    1. haha, sige lang, puntahan mo lang yung kapitbahay mo! yay. pagala gala ka daw sabi ni hamster! hehe. ayos lang yan.

      salamat sa comment!

      Like

  8. wow haha! very catchy yung title. lol

    magandang storya to. magandang storya to para sa mga magkakapatid na di nagkaka-intindihan dahil sa tinatawag na sibling rivalry. hats off ako sa’yo Ax!


    Ax, wala pang naka-set na deadline. gusto ko muna i-complete ang sampu. malamang sa August pa ang Deadline. 🙂

    Like

        1. haha. ang galing nga nila eh. gawa ka na din Ax. but don’t get me wrong, hehe. indi kita ina-apura or pinipilit. hehe. gusto lang naman kita bigyan ng shirt kasi idol kita Ax. IDOL!! yay! hehe

          Like

          1. oo sure, sure! naman. ako pa, basta contest dude. link lang ng link sa akin. hehe. huwaw, idol! yay. kaw nga ang idol ng bayan eh.

            Like

  9. mahusay na istorya

    gaya ng pagiging “kuya”, alam ko rin naman ang kaakibat na responsibilidad ng pagiging “ate”

    mahirap maging panganay
    mahirap rin siguro yung nasa gitna
    mahirap rin pala maging bunso

    Like

    1. Huwaw, Lore! Kaw pala yan. Yay. nakakatuwa naman si Fauxx, pinamamahagi tong link na’to! hehe.

      Oo nga, ang pagiging ate ay isang challenge din katulad ng pagiging kuya. At ang role ng bawat isa sa pamilya ay mahirap gampanan! hehe.

      oist, salamat sa comment!

      Like

  10. nalate ako dito hehe..
    itinuloy ko ang balak na pag absent kaya ayun,hehe

    sa title pa lang parang kakaiba na nga ung entry heheh..
    wala kasi akong kuya..huwaaa..
    di naka experience na nakapag palipad ng saranggola..

    ahha..ang ganda ng kwento ni kuya at ni kaito..
    bakit mas mahaba ang sknya..(pero mas mahaba ang pagmamahal ni kuya kay kaito)

    Like

    1. OIST PATING! BAKIT KA NGA NALATE DITO HA? yay. di ko napansin naka capslock pala! hehe.

      paanong kakaiba yung title? hehe. pinag-isipan mo ng masama? yay.

      Like

  11. ang galing. ang galing. may puso dude.

    nakakatuwa. naiinggit na tuloy ako lahat yata ng gwapings sa blogosphere ay gumawa na sa pa-kontes ni kua bernard. AKO na alng hindi.

    pero OK lang di naman nababawasa ang kapogian ko. hehe

    Like

    1. dude, sumali ka na rin at susuportahan ka ng league of spammer heroes:

      superspam: ako to.
      spammerman: si jason to.

      at susuportahan ka ng lahat ng friends mo tulad nila tsi, crux at iba pa! hehe.

      Like

  12. ang galing naman.. may lalim kahit pambata lamang..pampamilya talaga..kung sa penikula e general patronage..hekhek

    Like

    1. Hello! uctually, medyo hinabaan ko para pasok sa 1000 words! hehe. syempre, ayokong kalaban si kumpareng jason! yay.

      salamat at naapreciate mo!

      Like

  13. gleng gleng! *thumbs up*

    wala akong kuya e pero nakakarelate ako. huhuhu! naalala ko yung children’s story: “i love you bigger than the moon.” la lang.

    hallo, ax! *kaway kaway*

    PS: ano pang manga sinusubaybayan mo?

    Like

    1. naruto, bleach, at ang hiatus na hunter x hunter.

      yun lang naman kapag sa manga! sa mga anime, dun yung marami.

      yung mga natapos ko na ay deathnote. hm, yun lang ata ang natapos ko na mangga. hehe.

      Like

  14. aw! ganda naman…

    “Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo. ”

    – at mas mas mahaba siguro ang pasensya ni kuya hehe…

    inspiring post!

    gudluck!

    Like

    1. oo! ako rin, kukumpirma na mas mahaba ang pasensya ni kuya! hehe. salamat sa comment! dalaw ako sa inyo! kaso wag muna ngayon, busy sa opis! yay.

      salamat ulit!

      Like

          1. nope. pero madalas po ako dun lalo na pag week end kasi sa makati stay mga college friends ko. or di kaya dun sa bahay namin sa quezon city. pero nagwowork ako dito sa nueva ecija. nag graduate sa baguio. ipinanganak sa Ilocos… hehe

            Like

  15. uy, ganda nito! kakaiba..
    totoo, mahaba talaga pasensiya ng mga kuya..minsan ginagawa ito para sa kanilang nakakabatang kapatid

    Like

          1. kaya yan. may blogaling at blogsikat naman. hehe. dapat makuha nila yun. o sa special award sila!

            di ba tsi! sige, support ako sa shirt ni mon contest mo!

            Like

  16. tutbras pala! kala ko kung ano na! hehehe! ganda ng story, ax! gusto ko ung last statement na sinabi ni kuya ke kaito. oh, how i wish i have a brother… that’s the one thing i can never have in my life. 🙂

    Like

  17. WOW~
    talagang napa waw ako dun ah…
    ang galing…

    ang galing ng mensahe ni Kuya kay Kaito… 🙂

    WOW…
    talagang WOW… 🙂

    Like

    1. huwaw! hehe. salamat! nakow, yan ang mensahe ng mga kuya sa mga nakababata nilang kapatid.

      masapak nga ang kuya minsan, tingnan natin kung yan pa rin ang message niya. yay.

      Like

      1. pwedeng un pa rin ang maging mensahe ni Kuya Panganay kay Bunso kapag si Kuya Panganay hindi tulad mo ang ugali..

        nyahahaha..
        jokes lang..
        feel kong mang asar ngaun eh~

        Like

  18. awww.. nakakaiyak naman! hakhak!
    parang natamaan ako dun ah!
    so dapat pala bilang ate alagaan ko ng bonggang-bongga mga kapatid ko.

    ayos tong post na ito! bat ba ngayon lang ako nakalanding sa blog mo? amp!

    cool blog!

    cute ng kwento! swear!

    Like

    1. ayos lang kahit ngayon ka lang nakapunta dito. yay. mas okay yun kaysa wala na’tong blog na’to. hehe.

      nakow, marami nga ang nagsasabi niyan na guilty sila. hehe. wag maguilty, mababait naman ang mga ate at kuya. minsan nga lang makukulit talaga ang mga bunso. hehe.

      salamat. swear din! yay.

      Like

  19. hahaha..
    natawa ko.
    hehehe.
    pero astig.
    hehehe.
    kaso hindi totoo
    sa akin.
    hehehe.
    kasi ako ang bunso
    kaya mas mahaba ang sa akin.
    mahabang pasensya ang binibigay ng mga magulang ko sa akin.hehhe

    Like

    1. yay. ganun ba? nakow, mas mahaba nga ang kailangan nilang pasensya! kase kung maikli lang yun! nakow, nakow, nakow.

      mas mahabang pamalo ang magiging kaibigan nating mga bunso!

      Like

        1. alam mo, actually, dapat yung tinapay sa istorya ko ay hotdog.. kaso naisip ko baka basahin ng mga bata kaya ayun. di na lang. hehe. tinapay na lang nilagay ko.

          Like

  20. Nakaka-touch naman to. Nakarelate ako ng todo kasi dalawa lang din kaming magkapatid. Pero di ko pa naman to naranasan ni Kuya. We were treated as twins ever since.

    Isang napakagandang kwento. Naramdaman ko ang kamusmusan ni Kaito.

    P.S. ang talino ni Kaito. Alam kung ano ang inhinyero at the age of 5. Haha. cool!

    Like

    1. hehe. yay, buti naman at nagustuhan mo allen! oo nga, dalawa lang kayong magkapatid.. di ba ikaw ang kuya?

      yay, si kaito, tali talinuhan lang yown! hehe.

      Like

      1. Wala pa kong di nagugustuhan dito so don’t worry. haha.

        Hindi ah. Ako ang bunso. Sabi nila, ang pinaka-stubborn na bunso. wahahahah. ikaw kuya Ax, panganay ka?

        Like

    1. yay. ilan na ba comments mo? sige, to the rescue ako sa’yo. uhm, wag muna ngayon ha. busy pa ako at matagal tagal pa naman ang itatakbo ng contest!

      Like

  21. ang mga bata kasi lubhang makukulit, at maraming tanong sa buhay, kailangan ng mahabang pang unawa para sa kanila, hindi man nila maintindihan ngayon maaring pagtanda na lang nila…

    Like

  22. Ang imahinasyon ay ang pinakamatayog na saranggola sa langit na maaari mong ilipad.

    Tama ka don kaibigang AX, gusto ko ang linya mong ito. Sa ating imahinasyon pwedeng abutin ang langit hanggang impyerno, walang hangganan…hanggat kaya nating maglakbay gamit ang imahinasyon, kaya nating makarating.

    Like

    1. Salamat. Ang imahinasyon natin, kung saan saan nakararating. malayo ang napupuntahan. at mataas ang nililiparan.

      at ang paglalakbay natin kasama ang ating imahinasyon ang tanging sasakyan para mapuntahan natin ang isang lugar na hindi nabubuhay sa realidad.

      Like

  23. ang ganda naman nito!! nakaka touch ung kwento! sompleng bagay pero nakarelate ako.. parang nagbalik ako sa pagkabata at minsan nagtanong din ng ganun.. pero ngayun alam na alam ko na din ang lahat.. ang bawat galaw ng buhay..

    haysss! yan lang masasabi ko! am voting for this one! short yet moving…

    cheers ax!!!

    Bons

    Like

    1. nakow, salamat kuya boni! hehe. oo nga pala, hehe. may big bro post ka rin pala dati. pero salamat ng marami talaga! habang tumatanda tayo, naiintindihan na natin ang mga bagay bagay na dati magulo pa sa atin!

      cheers at kudos sa iyo at sa kapatid mo!

      Like

  24. *hikbi*

    grabe. napakagaling! naluluha ako..napapahanga..

    kahit hindi ko natanong ang mga tanong na ‘yan (dahil wala akong kapatid na babae), naramdaman ko rin yung pagmamahal at pagprotekta ng Kuya ko (saka ni Bunso).

    ang sabay na pagpapalipad ng saranggola ay sabay na pagabot sa mga pangarap..

    Like

    1. ah, panggitna ka pala ate bipolar! nakow, masarap nga panggitna. may proprotekta at may pinoprotektahan. hehe.

      gusto mo sabay tayo magpalipad ng saranggola?

      Like

    1. andito lang ako! bakit? kailangan niyo ba ako? hehe. teka, teka lang. kakauwi lang ng bahay. hehe. di pa kumakain. di pa nagbibihis.

      Like

        1. salamat sa panlilibre sa HP ha. tsk, late nga lang ako. di ko naumpisahan!

          oks lang. nilibre naman ako ni sheila ng taxi.

          at nilibre ako ni mars ng dinner.

          Like

  25. patambay hehe..

    paano nga ba natin mapapasalamatan si jason..

    hmmm..

    gagawa ako konfeti para sknya haha..

    tapos isasaboy ko sknya ..

    kayo ba?

    Like

  26. tumabi kayo jan, kakanta ako!

    maalaala mo kaya
    ang sumpa mo sa akin
    na ang pag-ibig mo ay
    sadyang di magmamaliw

    kung nais mong matanto
    buksan ang aking puso
    at tanging larawan mo
    ay doon nakatago

    di ka kaya magbago
    sayong pagmamahal
    hinding hindi giliw ko
    hanggang sa libingan.

    ayos ba?

    Like

  27. kailan ba dapat makipag hiwalay, kailangan pa bang isaalang alang paparating na okasyon o basta naramdaman mong hindi mona sya mahal, sapat na yung dahilan para makipag hiwalay.

    Like

  28. wow ang cool naman ng story… hehehe… sana may kuya din ako… hayy… thanks kuya for posting this…. looking forward sa iba nyo pa pong entries…

    Like

        1. Aw, wala lang! akala ko lang kilala mo talaga ako! hehe. salamat! sige lang! kuya mo na ako! hehe. hm, gandang gabi naman ang sagot ko diyan! kakauwi ko lang kase!

          Like

          1. hehehe talaga kuya?… musta po? ahhmm wala po kasi akong kuya ehh… i just really want 2 have a brother… bsta po… mabait naman po ako ehh… hehehe… hope 2 know you better kuya…

            Like

    1. wala ka bang kuya? hm, natanong ko lang.. marami akong kuya, kahit dito sa blogosphere at sa totoong buhay. ako kase ang isa sa pinakabata sa magpipinsan at bunso talaga ako sa magkakapatid.. i would usually refer ‘kuya’ to someone na pinagtatanggol ako sa lahat ng bagay.. pero minsan first name basis lang ang tawag ko sa kanila..

      okay naman. kakarating ko lang from opis. ang bilis mo magreply ha! aw, wala ka bang pasok or hindi mo pa ba kailangan matulog ng maaga?

      Like

        1. haha.. ang dami mo ng ‘kuya’ na ginagamit kada comment! haha. bakit mo naman ako gusto maging kuya? eh, di mo nga ako kilala ng personal.. mga articles ko lang ang nababasa mo.. di mo nga alam kung mabait akong kuya? alam mo bang nang-aaway ako ng mga nagku-kuya sa akin? haha.

          Like

          1. ahhmm… cguro po i have to take the risk na rin… eh kuya… kahit articles lang un na ginawa nyo…. it still shows kung anu ka bilang tao then ung mentality nyo po about life… well… ok na ok nga po kau ehh… hehehe… oks lang po un sa kin… eh kuya ko naman gagawa ehh

            Like

            1. haha. oks lang sa’yo awayin basta kuya?! yawts. naguilty naman ako! hm, magkwento ka naman! kahit ano! habang kumakain ako!

              sorry, medyo natagalan ang reply ko, may nagcheck lang ako ng updates..

              Like

            2. hehehe… oks lang kuya… hirap nga lang mg refresh ng mgrefresh hehehe… ahhmm i was born po w/ the usual family setting… ung father q po nsa abroad then ung mother q lang po nand2… since birth po yta nandun na un sa saudi then once a year lang po nauwi…naiintindihan ko nmn po sya… may ate po ako… so 4 short ako lng po ung lalaki sa bahay… lumaki po akng loner… mahiyain din po… walang alam na sports… ngaun q lang po narealize na malaki pla ang kulang sa kin… bsta… un po… waahh ang haba pla..

              Like

            3. aw, sorry kase medyo mabagal ang PC ko na gamit ko ngayon.. yung laptop kase ay binenta nila.. nagulat nga ako kase sabi dito sa bahay sa november pa bibili ng laptop. aw. ayun, dalawa ang PC namin kaso yung faster speed, eh, hindi applicable sa monitor na gamit ko.. kaya ayown, nababagalan ako sa speed compared sa nakasanayan ko na dati..

              Like

            4. ah, so yun pala ang story mo.. oks lang yan. yung daddy ko nag Saudi rin nung bata ako. pero, gusto niya ata kami makitang lumaki kaya after some years ng pagsa Saudi, eh, dito na sa Pinas. oks lang yan, wala naman akong nakikitang problema kung loner, mahiyain at walang alam sa sports ang isang tao. wala kang problema, okay ka lang na ganyan ka! hehe.

              Like

      1. ah, oks. ayos ah! hehe. ako naman ang magkwe-kwento.. mga ganitong oras ako umuuwi.. pero hindi palagi. every two weeks nagbabago ang sched ko. ayun, minsan pangumaga, panghapon o panggabi. depende sa sched ko.. ayun.

        buti gising ka pa!

        Like

          1. nakow, ang work.. minsan tatamarin ka.. kaya ikaw, mag-enjoy ka habang nag-aaral.. i mean, wag ka naman maglakwatsa o magparty palagi.. i mean, mag-enjoy ka na estudyante ka. mag-aral, pumasok kasama ang mga kaibigan.. i-enjoy mo yan dahil pag nagtrabaho ka na, aw, work lang talaga ang aatupagin mo.

            Like

            1. oks lang yan.. ako rin dati, sobrang daming problema sa school. sabay sabay na projects, deadlines, paperwork.. i-all out mo yang mga yan.. masarap mag-cram at masarap yung feeling na nakapagpasa ka before the deadline.. teka, ano bang mga problema mo sa school?!

              oo, mukha namang enjoy yung gravatar mo eh! hehe.

              Like

            2. basta kuya… kau na kuya ko ah… nkow medyo makulit po ako ehh hehehe… 15 pa lang po ako… willing naman po ako mgpakilala ehh.. sa fb, fs or ym… hehehe.. oks lang ba un kuya… ako na mggng bunso…

              Like

            3. dami kuya… pressure dhil science class, discrimination, ahhmm… masyado po tlga busy na kahit weekends kelangan po pumasok just 2 finish everything… ay kuya mahilig din ako mg cram ehh… hehehe… minsan nga po di na ko nakakatulog sa pagtapos ng projects…

              Like

            4. haha. sige, kuya mo na ako.. aw. napasubo yata ako sa’yo.. samantalang ayaw kong magpatawag ng kuya kay Jason at MB. haha. pero, sige. Kuya mo na ako.

              sad to say, mas priority ko ang blogging kaysa social networking sites.. kaya yung FS ko ay wala ng gumagalaw.. yung FB ko, actually di ko na binubuksan.. pag may updates lang sa wall ko or messages. dati sobrang kinuha kase ng FB ang oras ko sa blogging.. kaya tinigilan ko na.. isang way lang para macontact mo ako ng maayos.. through email. aside from blogging, araw araw akong nag-e e-mail.. i make it a point na sumagot sa email within three days.. three days or four days na siguro ang pinakamatagal.. dun din ako nagkwe kwento ng mga nangyayari sa akin. masyado ba akong outdated? hehe.

              Like

            5. hehehe di naman kuya… depende nmn po sa tao yun ehh… geh po kuya… sa e-mail na lang po ako mgpapakilala… gusto nyo pa nga kuya mgsend ako ng biodata ehh o kaya photocopy ng birth certificate ko… hehehe… geh kuya tulog na ung bunso nyo hehehe… sorry po kung naagawan ko kau dun… thanks kuya….

              Like

            6. haha. oks lang. sige, tulog ka na.. kwentuhan mo ako sa email ha! yawts. thank you rin sa time mo.. di biro na hintayin ang mga sagot ko dito sa blog ko! Maraming salamat! hehehe.

              oks lang kahit naagawan mo ako ng role, bagay nga sa’yo ang maging bunso. awts.

              Like

            1. aw, kaso baka matagalan talaga ako! awts. sorry, naghihintay ka pa.. pero feeling ko matatagalan pa ako sa ginagawa ko.. er, sorry. promise, babawi ako sa email. okay ba yun?

              Like

    1. JP, sorry! Nung nag-uusap tayo kagabi, nagbrownout! Hanggang paggising ko kanina ay brownout pa rin.. Nandito na pala ang kuya mo sa opis! Hehe. Babawi ako.. Hm, kung di mo na ako mahihintay mamaya, okay lang!

      Like

    1. Yay, oo Fauxx. First place to sa Blogsikat! Daming comments, yun ang basehan! Hehe. Kayo ang inspirasyon dito! Aw. Feeling ko nga dapat kayo ang parangalan!

      Like

Leave a comment