Pabasa Party

Sharing sharing na ito ha!

Kasali ang pamilya namin sa nag-o-organize ng Pabasa sa street namin. Meron kase kaming kapitbahay na may panata na hanggat nabubuhay siya ay magpapabasa siya ng pasyon ni bossing Jesus tuwing holy week.. At totoo naman, tupad na tupad nga naman niya ang kanyang pangako.

Nagbiro pa nga siya last year na baka wala ng Pabasa this year dahil tigok na tigok na siya. Pero guess what, buhay pa rin ang kapitbahay naming ‘yon. Ayaw siguro siya kuhain ni Lord dahil bonggang-bongga ang ginagawa nilang Pabasa.

Dahil ang daddy ko ay technician, napakarami naming stereo/speaker sa bahay. At ‘yun ang ginagamit tuwing may Pabasa dito sa amin. Bawat pamilya dito sa eskinita namin eh sumasali sa pag-o-organize ng Pabasa. Meron kaming isang kapitbahay na nag ke-cater ng party needs kaya sila ang may sagot ng chairs and tables. Ang nakakalungkot nga lang, yung isang matanda na malapit sa amin na tumutulong sa pag-oorganize ng Pabasa eh namayapa na. Siguro kapag nawala silang lahat– at henerasyon na namin (mga anak nila) ang natira, eh, siguro wala ng magpapatuloy ng Pabasa.

Naisip ko na nakakalungkot din pala. Malamang sa malamang eh mami-miss ko rin ang ideya na hindi ako pinapatulog ng mga nagpapasyon.

Balik tayo sa kwento. Dahil nga ang daddy ko ay isang technician, napakarami rin naming microphone para suportahan ang isang concert ni Regine Velasquez. At tama kayo, kung gaano karami ang stereo/speaker namin ay ganoon din karami ang gagamiting microphone para sa pabasa. 

Anyways.

Ang point ko lang is– kaya nakapost itong artic na ‘to ay dahil nagising ako sa dagundong ng kanta ng mga Pabasa. Hmft, sana mag-brown out! ‘Di, joke lang. Wag naman.. Nagko-computer pala ako! 

Advertisements

34 thoughts on “Pabasa Party

  1. Napaisip din ako dun sa tanong mo. Sino ang magpapatuloy kapag wala na sila?

    Yung pamilya din kasi namin ang may-ari at nakatoka sa pagdedecorate ng image ng Resurrection sa Salubong kapag easter sunday. Nagmula pa daw yun sa kalola-lolahan namin. Then it was passed to my Lola. When my Lola migrated, naipasa siya sa Nanay ko. Nung umalis din yung Nanay ko, pinasa sa Tita ko. So naisip ko, pano pala kapag kami na ang matatanda, sino sa aming magpipinsan ang magpapatuloy magdecorate ng fresh flowers at magtutulak ng karo ng age-old santo namin?

    Mabilis na nag-iiba ang panahon. Kasama din nitong nag-iiba ang takbo ng isip ng tao. hay

    Like

    1. oo nga no?! hindi natin alam kase iba naman ang interes natin sa mga magulang natin. iba ang nakagawian nila sa nakagawian natin.

      pero malay mo, gumawa tayo ng sarili nating tradisyon.

      mabilis lang talaga ang panahon, di natin alam kung saan tayo mapapadpad!

      Like

    1. lol. i agree and disagree.

      minsan kasi para lang masabi na may pabasa. kahit na mukhang nagsisigawan na lang yung mga tao. parang karaoke appoved by the Holy See.

      pero kung meron talagang “kultura” behind it. tipong parang sarsuela, I think its worth preserving.

      para sa akin, mahirap kasing ipagpatuloy ang isang bagay na una, hindi mo alam kung bakit mo ginagawa, pangalawa, kung sino-sino at kung anu-ano na lang yung ginagawa mo.

      Kaya nga ang tanong, to whom should the responsibility of preserving and finding the real meaning of Pabasa fall?

      *anthropologists? lol

      Like

  2. LOL aliw naman ang pamilya nyo at gma neighbors ax. alam mo naisip din namin yan ng mga kapatid ko. pag natigok na ang mga oldies pano na. sabi ng kapatid ko eh di kami na lang daw ang magpasyon pwede naman daw yung rap eh basta wag lang macacarried away at dadagdagan ng break it down sa huli dajil magagalit si lord. LOL

    Like

    1. its harder to continue kapag pressured ka at ikaw ang nakatoka sa isang bagay na ayaw mo gawin.

      naisip ko, is it your fault to be the king and rule the kingdom but your heart desire to be a nobody?

      Like

  3. hmmm…ax na miss ko for wostraight years ang pabasa…saya kaya non….ito ang naging drama ko this year namundok…kaya hayun ang mga huni ng mga ibon ang narinig ko….pero minsan mabuti na rin…kasi nasa tono sila parati heheheheh

    Like

    1. talaga? kuya blu! hehe. oo nga. nakakamiss. wala pa naman dito sa pinas ngayon. hehe. namundok ka nga. ang tagal mong nawala. maganda nga yun. relaxing. puro halaman at ibon at ibang hayop lang ang kasama mo!

      Like

  4. namiss ko rin ang pabasa samen kasi dati nakikikanta rin ako sa pabasa nung nag kla work wala na hehe uu nga kapag nawala na yung mga matatanda gagawin pa rin kaya ng ibang anak o apo nila di ba parang nakakamiss, pwede pa rin naman ipagptuloy eh …

    Like

    1. ganun nga yun. kahit ako, nung nag ka work na, di na rin nakakaparticipate sa pabasa. nahihiya na rin kumanta. di naman maganda boses ko. hehe.

      Like

  5. hindi ko pa nasubukan ang mag pabasa. nakikita ko lang to sa news pero hindi ko pa talaga nakita until nung nasa marinduque kami. may kumakanta kasi sa loob ng simbahan yon pala pabasa yon.

    kakatuwa naman na dami nyong microphone. pwede ngang concert.

    Like

    1. oo. sobrang dami naming microphone.

      ako, simula bata pa lang, naexperience ko na ang pabasa! every year. walang paltos. at kahit papano, enjoy naman!

      Like

  6. sa amin din may pabasa. nagpabasa kame ng nanay ko sa kamaganak namin pero isang gabi lang. alam mo dapat noon pa man ay inenjoy mo na yun kasi one a year lang naman…

    Like

  7. tnry ko na makikanta dati sa pabasa, at talaga namang di ako makasabay.. ahahaha.. parang ang saya nga eh, parang holier than holy party..

    may tanong lang ako, hindi ba napapaos yung kapitbahay mo tuwing kumakanta… kasi samin pagktapos paos na paos.. cheers;p-glesy the great

    Like

    1. haha. meron sila laging timpla na salabat! pampaganda daw yun ng boses kaya inom naman ako ng ganun nung bata ako.. but to no avail pangit pa rin ang boses ko!

      cheers glesy!

      Like

  8. haha, ganyan din ako dati. wish na sana magbrown out kasi nga ingay ng pabasa. pero naisip ko mainit pag walang kuryente…walang electric fan. haha

    Like

    1. Ang pabasa ay tradisyon na nating mga Pilipino.
      Ipinapakita dito ang ating debosyon at malalim na pagdakila sa poong Lumikha, ganunpaman tayong mga kabataan ay mababaw na ang pagtingin sa gawaing ito.

      Kaniya kaniyang paniniwala yan.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s