My Unholy Week


Noong isang araw lang, ginanap ang aming annual physical examination o medical examination sa opis na ginagawa every year. Huwaw! Annual nga. At dahil may physical examination, hindi makakalagpas ang rectal examination na ginagawa sa mga pasyente. Sabi ko sa sarili ko eh ayaw ko tumuwad kaya naka-fixed na sa utak ko ang sasabihin ko, “Doc, pwede bang i-skip na lang natin yan?”Pag humirit siguro si Doc na hindi pwede, baka sumagot ako ng: “eh, magkano ba ang usapan natin dito, Doc?”

Naka-mindset na ang linya ko. Kabisado ko na ang script. Kaya nang nag-uusap na kami ni Doc tungkol sa medical history ko, sagot lang ako nang sagot about the pertinent information of my health. Tinanong niya kung nagyoyosi ako, kung umiinom, o kung ganyan.

At pagkatapos ay tumayo siya at lumapit sa akin at sinabing, “hinga nang malalim,” at itinutok niya ang kanyang malaking stethoscope sa puso ko.

Maghuhubad sana ako pero okay na raw kahit may t-shirt ako dahil bibilangin lang niya ang tibok ng puso ko. Porket ba naka-fitted polo shirt ako, wala na akong karapatan maghubad?!

Natapos ang aking physical examination kay Doc at dumiretso na ako  sa restroom para sa urine sample.

Isang assistant manager ang kinukuhaan ng dugo sa isang cubicle at na-overheard ko na nagtanong yung Med Tech, “sino po ba last year ang doktor niyo?” Maraming tao pero walang sumagot. Tamang tama, pumasok ako para ibigay yung urine sample ko.

“Si Dr. Eurt Lara last year.” Humble pa ako nung sinabi ko yun.

Nagtinginan lahat sa akin.

Sabay comment ng isang nurse, “wow, naaalala pa niya kung sino.”

 

Makes sense. Hindi pa rin nawawala sa puso at isipan ko si Dr. Lara last year dahil siya ang first time ko. Hindi kase ako pumalag. Noong pinatuwad niya ako dati, walang tanong-tanong akong naghubad noon. Lintek. Para akong pornstar noong last APE namin.

 

BTW, magaling kumuha ng dugo yung Med Tech na guy. Hindi masakit. Parang kagat lang ng buwaya. Bossing Jesus, nakow, holy week pa naman pero magiging mabait ako, totoo!

Advertisements

39 thoughts on “My Unholy Week

  1. ah yung mga ganyang bagay. sa tanang buhay ko wala pang nakakita ng aking “private parts” na medical professional. Maliban na lang nung nurse at doc ng nagpacircumcise sa ako. xempre hindi naman pwede na nakapantalon ka sa operation na yun 😉

    sa APE sa company namin, we have the choice. Mas importante naman yung blood/urine analyses at xray. Even when I was still at UP. Kailangan yun ng freshmen para makapasok. hindi naman din umabot sa ganong punto.

    Kaya cooperative din ako sa airport security. Para wala ng special security session. Hahaha

    Napaka-unholy nga ng week mo ax.

    Like

  2. Haha, alam mo yung story ni Butler, matatawa ka sa med exam niya. Naka brief lang siya habang iniinterview, eh winter, kaya nangangatog daw siya!

    naiinis si butler bakit daw ni hindi man lang siya muna pinabihis, kaya ang sagot niya sa mga tanong:

    brrrr, no i dont smoke…Brrrr
    no diabetes in the family brrrrr.
    And babae yung doctor, haha

    Like

  3. Haha. wattah. Ang strict pala sa opis niyo. Hoho. So dapat pala, pag naghanap na ko ng trabaho, isang factor din na kailangan kong tingnan ay kung nagcoconduct sila ng rectal examination sa mga employee nila. hehe. Now I know. Thanks sa tip! wahahaha!

    Like

    1. Ang mahalaga lang naman ay ang urine, blood at X-ray! Dito sa rcbc required ang lahat ng company na magpa medical exam ang bawat empleyado!

      Like

  4. haha..parang hindi ko din kaya yun sobrang weird, awkward..lahat na..physical theraphy pa nga lang, yung may mga pakapa-kapang palpation eh ‘di ko matagalan eh.. 😀

    Like

  5. nyahaha… ikaw lang ang kilala kong di nasaktan sa kagat ng buwaya…

    mataas ang pain tolerance ko pagdating sa tusok-tusok ng ugat na yan… pero totoong may mga taong magaan ang kamay, malas ka nga lang ata at parang gawa sa kamay na bakal ang nag blood extract sayo.. cheers;p-glesy the great

    Like

  6. buti nalang nga indi ka pinatuwad..ha ha ha…bakit sa amin walang tuwad tuwad? ang arte naman niyan..nag flash back tuloy ang experience ko noon na nasa SM pa ako nag wowork…tuwad kung tuwad..bahala na.ha ha ha

    Like

    1. nahihiya nga ako. i was supposed to add you on my webs and spiders, naunahan mo lang ako. salamat sa pagdalaw sa realm ko. actually, okay lang kahit di mo ako ilagay sa blogroll mo. natuwa ako sa blog mo the first time i visited it.

      Like

  7. hahaha.now q lng 2 nabasa..sa ofis hnd ako ngpapa annual check up. mga damuho kc mga taga ofis tinitingnan ung results tpz kwn2han un about sa results mo mga ilang months din! kaya nagpapa set ako sa ibang accredited..hehehe..

    ung 1st tym ko, c doc…hmmm? sa breast cancer society ng pgh at hmmm..yoko ng magshare..post ko nlng..ayos! ngpromote pa! hehehe

    Like

    1. awts. sige, share mo na lang! yay. dapat magpa annual check up ka na rin sa opis kase headache pag sa iba ka pa nagpa check up!

      bakit pag nagkwentuhan ba sa inyo tungkol sa sakit na TB o STD? hehe.

      Like

    1. Brad, sa APE (Annual Physical Examination) ng company na namin ‘to nangyari. Sa pagkakatanda ko, kinuhaan ako ng blood sample, urine and stool (urinalysis and fecalysis), physical examination (question and answer portion and pwede ka namang mag-waive sa rectal examination). Then meron din kaming eye examination and auditory examination. Kung pasok ka sa age bracket ng ECG, required ka to undergo the electrocardiogram. Required rin and x-ray. XD So ayun, ‘yan ang mga natatandaan kong medical examination ng company namin XD

      Sa mga babae, they have breast examination in a private cubicle with a female doctor who will conduct the examination XD Huwag matakot sa medical exam kesyo APE ‘yan or requirement sa new job XD Sisiw lang. Hehe.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s