Ang Pag-Ulan ng Bulalakaw

May nagsabi sa akin na kapag humiling ka sa bulalakaw, magkakatotoo daw ‘yon. Mula noon, pangarap ko na makakita ng isang bulalakaw. Kahit isa lang.

Maraming gabi ang nagkumot sa aking panaginip. Maraming ulap ang inagos ng hangin. Kung gaano kadilim ang silid ko sa tuwing papatayin ko ang ilaw ay ganoon din kadilim ang katuparan ng aking pangarap. Hindi pa rin ako makatsamba ng isang lumilipad at umaapoy na bato sa langit. Maghihintay ako.

Naghintay nang naghintay.

Maraming taon ang lumipas, dumating sa punto na nakalimutan ko na ang tungkol sa bulalakaw. Isang gabi, naalala ko ulit ang tungkol dito. Kaya noong gabi na ‘yon ako ay naghintay. Naghintay at nakatulog. Lumipas ang maraming araw. At lumipas ang mga buwan at mga taon. Hindi ko namalayan na nawala na ulit sa aking isipan ang tungkol sa kahilingan sa bulalakaw.

Hanggang sa may isang bata ang nagkasakit. Kaya sa aking ulirat ay natagpuan ko ang kasagutang sasagip sa batang iyon.

Noong gabi ring ‘yon, sinabi ko sa sarili ko na ako ay makikipagsapalaran. Humiga ako sa bubong at sinabi sa sarili na aangkinin ko ang langit. Hindi ko kailangan na maghintay dahil matagal na akong hinihintay ng langit upang ipakita sa akin ang isang bulalakaw na tila isang balyenang lumalangoy sa alapaap.

Habang nakatitig sa kawalan, ang bawat bituin ay nag-aalay ng sarili nilang mga kuwento. Sa kalagitnaan ng pagbabagong anyo ng buwan ay hindi ko alintana ang tagal at ang lungkot ng kadiliman. Hindi ko pansin ang dilim ng aking puso. At isang bulalakaw ang nahulog. Hindi ako gumalaw. Hindi na ako nag-isip. 

Humiling ako na gumaling na ang batang may sakit.

Natulog ako nang may ngiti. Kinaumagahan ay nabalitaan ko na namatay na ang batang inalalayan ko ng kahilingan noong gabi na may bumagsak na bulalakaw. Nalungkot ako. Nagalit sa mundo. Sinumpa ang langit. Sumuklob ang gabi sa aking puso.

At nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata. 

Mula noon, mas maliwanag na ang kinang ng mga bituin sa langit.

Dahil ang bawat bituin ay may sariling kwento.

78 thoughts on “Ang Pag-Ulan ng Bulalakaw

  1. ang ganda naman ng post mo ngayon AX….matalinghaga nga ang natura sa ating kapaligiran…habang pilit nating inaalam ang hiwaga nito…lalo itong nagiging misteryo…pero sa ibang banda dala nga nito ang samut-saring kwento…
    nakarelate ako dun ah!

    Like

  2. ang lalim ng mga tagalog. ang bisayang kagaya ko ay dumugo ang ilong. ^_^ nevertheless, it’s a very nice post. once lang din ako nakakita ng bulalakaw. hindi ko na maalala kong ano yong wish ko. i wanna see a falling star again, and make a wish!

    Like

    1. every night there’s a falling star.

      way back high school, we have this overnight at school. we have lots of super equipment. we were able to view jupiter, saturn, venus, mars, and moon using a super telescope. its fun. we also saw a falling star.

      Like

      1. waahhh.. gusto ko rin mag star gazing..

        kaya lang simpleng telekopyo lang ang gamit ko pag nasa bubong ako ng jeep namin o ng bahay, may dumi pa un ah..

        ano nakikita mo pag bilog ang buwan?

        ako kasi lagi kong napapansin na parang may mother and child sa buwan.. aun..

        Like

  3. wow. I never thought you have this ability to write a literary piece. but it seems true to me. Your right, stars have their different stories in life. And maybe the child have his own story too. Hanggang dun na lang talaga.. but you save his soul 🙂

    Like

  4. have read this before. sa egrp ba natin mo unang pinost to?

    ung una, mahirap i-digest. hindi ko kasi maidentify kung essay o short story. but it doesn’t matter.

    ang mahalaga, may na-evoke ka sa iyong readers.

    your post this time is full of spaces. Hindi yung physical space sa text. After a sentence/phrase/clause/paragraph may void then another sentence/phrase/clause/paragraph na naman.

    emotion (v o i d) different emotion

    Like

    1. i’ll try to fix the void part. gusto ko sana tagalog lang lahat. and then masyado ng awkward. i redraft then posted it to chicken. yung first draft ko is masyadong er, cant explain.

      nope, sa chicken ko ito pinost. when boss gus is kinda desperate to make the W&A members bonded. hehe.

      Like

  5. mejo malalim but i love it!
    galing!

    ako madaming beses na nakita ng falling star..yung huli ee nung nov1.di ako nagwish inisip ko kasi cia yung lil sis ko…dinasalan ko na lang tuloy puntod nia…

    Like

  6. alam mo Ax lahat ng bagay sa mundo nangyayari sa kaukulang dahilan na paminsan ay hindi natin talaga naiiintindihan o kung hindi man ay natatagalan bago natin malaman ang tunay na rason. gayunpaman wag sana mawala yung pagiging bata diyan sa puso mo. wish lang ng wish! 🙂

    Like

    1. ayos lng nman! sana dun nlng kinuha yng line count noh para mgka incentive me. hehehehe

      dami u n pla fans dini. pwde u n mgtayo ng BPO.
      bwahahahaha.

      mwah mwah mwah

      Like

  7. Finally, i got the chance to check your blog. friend, this is depressing. I feel like eating chocolates after reading it. 😦

    Like

  8. naaliw akong basahin ito. concise. maganda ang twist. may lalim ang bawat pangungusap at magbibigay sa makababasa ng mga palaisipan at katanungan upang magmuni muni sa mga bagay bagay sa paligid. i am an instant fan of yours.

    OFF TOPIC:

    I agree with Iya. Maganda ang layout ng site mo? is this pre-layout or someone did this for you? if pre-layout and free, ano ang bloghost mo? hehehe. interesado ako. -ely

    Like

  9. wow ha..bumilib ako dun ah..akala ko mag kakatotoo ang wish na gagaling ang bata, nalungkot naman din ako dahil sya’y kinuha ni lord..naisip ko lang hindi kaya kinuha na sya ni papa god para dun sya pagalingin di ba..para dun mas lalong masaya ang kanyang pag galing, isa na syang anghel ngayon..

    isa rin ako sa nag antay ng bulalakaw, nawawala sa isip ko, babalik,nawawala ulit..may kanya-kanya talagang kwento ang bawat gabing pinag dadaanan natin..

    Like

    1. honga, ganun nga siguro ang hidden story. wala ng sakit yung bata nung pumunta siya sa langit.

      haha. sobrang bilis ng bulalakaw. parang di ka makakapag wish! hehe.

      Like

  10. Sapagkat ang bulalakaw ay walang kasigurahang dalang lunas para sa iyong hiling, kung mayron man baka ito ay ibinigay nang hindi mo alam.

    Mayroon nga dahil nakita mo, naramdaman mo pero itinago mo lamang ito.

    Sa susunod tumingin ka ng mas malapit, walang himala pero may milagro

    Like

    1. ang bulalakaw ay parte lamang ng bagay sa kalawakan. hindi nito kontrolado ang galaw at ang mangyayari sa hinaharap.

      at naniniwala ako na walang himala..

      pero may milagro.

      Like

  11. wahahaha.
    grabe, sobrang lakas
    ng daloy ng emotion sa post
    na to, napaka genuine
    ng bawat salita,. may malalim
    na pinanggagalingan.

    maraming beses na din akong
    nag antay ng bulalakaw sa
    aming bubong dati, hindi ko
    lam ako din pala ang magpapaulan
    sa mga yun..

    nkikiramay ako,
    sa iyong kaibigan…

    Like

    1. hm, mukhang kailangan mo nga ng wish netong mga nakaraang araw hehe.

      oy, MB. mag-iingat ka na ha! dahil pag nangyari yown, nakow, ako ang papatay sa’yo pag nagkataon at di mo.. mahirap na magkwento.

      hehe.

      Like

  12. ang ganda na command mo ng tagalog language ax! bilib ako. alam mo pagdating ko dito sa isang isla sa zamboanga, isang gabi tumingin ako sa langit at nakita ko ang mga bituin. natuwa ako. namiss ko pala ang pagtingin sa langit…di ko kasi nagagawa ito noong nasa manila ako…

    Like

    1. dito kase sa manila, iba ang langit. walang masyadong stars. masyadong maliwanag.

      pag nasa la union ako at bilog ang buwan, grabe ang liwanag ng farm! hehe.

      ingat diyan!

      Like

    1. ah, ang pakiramdam ko nung nakakita ako ng bulalakaw.. ihahalintulad ko sa senaryong nakapasok ako sa kweba!

      iba lugar. ibang feeling! hehe.

      Like

  13. “…at nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata.
    at sumuklob ang gabi sa aking puso.”

    nakakalungkot naman ung line na toh…

    galing galing…kasad nga lng… 😦

    Like

  14. minsan sinasagot naman ang kahilingan in a different way. in a better way…

    katulad na lang ng, kailangan ng mamatay nung bata bago mo makita ang bulalakaw, kasi mas better un para sa bata.. sa tingin mo?

    wishes granted…

    because sometimes, we really don’t know what we are going to wish for..

    sabi nga sa isang kanta di ba, be careful what you wished for, kasi baka nga nabuhay yung bata pero kailangan niya na talaga lumisan.

    aw, I’m digging so much on your post..

    basta..un na un..

    Like

        1. hindi mali yung wish na mamatay na lang yung bata, hindi mo lang masabi at maamin sa sarili mo na yun ang wish mo para sa kanya, dahil napaka morbid ng idea para sa iba.

          kung ako yung nasa sitwasyon na ganun, malamang nga ganun din ang wish ko, wala lang ako lakas ng loob na sabihin ito. kaya nga silent wish na lang..

          Like

  15. “at nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata.
    at sumuklob ang gabi sa aking puso.”

    …. parang nalungkot ako dito…

    Like

  16. minsan pag nagkakataon at nakakakita ako ng bulalakaw mula sa langit hindi na ako humihiling, alam ko kasing mas marami pang taong mas nangangailangan ng hiling kumpara sa akin. hindi naman nangangahulugang kuntento na ako sa buhay ko, pero kung ang hihilingin ko lang naman ay gaya ng “sana po magkaroon ako ng kotse” “sana po magkaroon ako ng magandang bahay” “sana po matuloy kaming pumunta ng london” (wow anyabang) o kaya “sana po maging kamuka ko si dick israel” kung yun LANG naman mas mamabutihin kong ipagkaloob na lang yon sa ibang mas nangangailangan

    Like

Leave a reply to Akso Rojas Cancel reply