Ang Pagpasok sa Mundo ng Isang Bata

Naglalayag ang aking pamangkin sa isang lugar kung saan siya lamang ang tanging bida kasama ng kanyang mga tauhan na pinintahan gamit ang krayola.

Nagtanong ako– ang sabi mo ay lumilipad ka.  Nakakatuwa. Dahil tila sa katayuan ko ngayon ay hindi ko na muling magagawa pang lumipad gamit ang aking isipan. Ni hindi ko na kayang magtiwala sa aking imahinasyon na ipunta akong muli sa lugar na ginawa ng aking kamusmusan noong walong taong gulang pa lamang ako.  Sino na kaya ang nagmamay-ari ng planetang pinagtiyagaan kong buuin gamit ang oras na hinaluan ng haraya? Naaalala ko na, noon ako rin ay nakalilipad. Ngayon, sino na kaya sa mga batang aking nakikita sa lansangan ang nakatira na sa lugar na pinupuntahan ko tuwing titingala ako sa langit?

Sino na ang kausap ng aking matalik na kaibigan na hindi nakikita ni Inay? Ano na kaya ang bagong pangalan ng aking imaginary besfrend na noon ay lagi kong kausap tuwing haharap ako sa dingding, tuwing matutulog, o tuwing maglalaro.  Nasaan na kaya ang lumilipad na palasyo na aking nakikita tuwing titingala ako sa langit habang papalubog ang araw? Sino na ang nakikipaglaro sa aking anino ng bato-bato-pik?

Nasaan na ang tamang daan upang makarating muli ang isang tulad ko sa mundo ng alapaap kasama ang mga paro-parong nagliliwanagan na may iba’t ibang kulay? Nasaan na ang kweba na lagi kong pinagtataguan tuwing darating ang mga kalabang UFO at halimaw? 

Marahil magsisimula ako sa bugtong ng pakikipaglaro sa mga bata.

 

At matututunan ko ulit ang paglipad.

Advertisements

28 thoughts on “Ang Pagpasok sa Mundo ng Isang Bata

  1. bata pa lang ako, alam ko na hindi nakakalipad ang mga tao. ang isipan pwede pa. ang imahinasyon. ayokong mag-isip ng mga halimaw at masasamang nilalang. batid ko na marami na sila sa totoong buhay para mag-imbento pa. ang laging paksa ng aking paglalaro ay kung paano manamumuhay ang mga matatanda. sayang, hindi na lang sana ako nag-abala. pera, lugar sa lipunan, pakikipagkant****, at walang sawangpagnananais na naging bata na lang sila habang buhay. isa pala akong wirdong bata.

    Like

  2. masarap mamuhay sa imahinasyon ng isang bata.
    walang kasinungalian, walang kayabangan.
    puro kunya-kunyarian, bahay-bahayan, tumbang preso at iba pang laro ng lahi…
    🙂

    Like

  3. nice wordplay. i’m 18 and working as a corporate slave. sometimes, i think i am rushing my time. i know i still have lots to learn.

    for now, ill try to keep myself attached to my young side in between calls. 😉

    nice artik.

    Like

      1. speaking of illness, ax, wasn’t able to go to work today. At mapipilitan akong pumasok tom. 😦

        the sad thing is, I got sick during my weekend trip in Anilao! Wasn’t able to dive, alone in the resort, curled up in my room…

        hay buhay. Was really excited for it then wala lang.

        Tom, I’ll go back to reality.

        Like

  4. kung gusto mong matuto muli ng mga kuntil-butil ng buhay…bumalik ka sa mundo ng kamusmusan..doon kasi walang pretensions…no rules….no boundaries…malawak ang mundong ito…hindi mo kayang lakbayin…kahit ng iyong isipan….

    Like

    1. thanks pero hindi po ako IT. hehe. napakalayo po ng course ko doon! hehe. themes na kase ito na ganito talaga yung format, pero wordpress ang blogplatform ko. ikaw blogspot, wala ako masyado alam sa blogspot!

      Like

  5. nung bata ako gusto ko lng maglaro ayaw kong natatalo kya lahat gingwa ko para lng manalo… d ka namimili ng kalaro… kahit panget maganda, tibo bading.. basta may kalaro ako at meron nananalo at natatalo masaya na ako.. d ako napapagod at wala ako ibang iniicp.. hay ang sarap maging bata…

    datapwat isang bahagi xa ng mga bagay na dapat nating ma22nan nang dumating ang araw na tau ang may mga batang inaalagaan… maiintindihan natin cla.

    Like

  6. Sapagkat pinulaan ng haring leyon ang aming isipan na matakot, subalit kaming mga inakay ay may panahong tumakas sa haring leyon.
    Kaya din naming lumipad, kaya din namin.

    Tama kapag tumatanda na tayo, ninanais nating maging bata.Walang komplikasyon..kakain at tutulog, tas maglalaro

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s